27.3 C
Manila
Martes, Hunyo 30, 2026

Mental Health 101

PAGBUBUO(D)

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG mental health ay isang masaklaw na konsepto at kategorya na tumutukoy sa ugnayan ng emosyonal, sikolohikal at panlipunang kalusugan at kaginhawahan. Kritikal ang papel ng kalusugang pangkaisipan upang epektibong magampanan ang ating mga personal, propesyonal at panlipunang gawain at responsibilidad. Ang mga sumusunod ay ilang paalala at panawagan sa pagsusulong ng kalusugang pangkaisipan sa iba’t ibang antas ng aplikasyon at integrasyon.

·      Unawain ang epekto ng kalusugang pangkaisipan sa mga paraan kung paano tayo nag-iisip, natututo, nakararamdam, nakikitungo, umaangkop, nagdedesisyon at nakagagampan.
·      Pahalagahan ang malaking ambag nito sa pag-aaral, pagtatrabaho at pang-araw-araw na gawain sa buhay.

·      Bigyang halaga ang mental health bilang kritikal na bahagi ng holistikong kalusugan. May tuwirang ugnayan at impluwensiya rin ito sa ating kalusugang pisikal, moral at ispiritwal.

·      Tandaan ang malaking ambag ng kalusugang pangkaisipan sa katatagan ng kalooban at kakayahang makaagapay, lalo na sa pagharap sa mga mabibigat na hamon ng buhay.

·      Maging sensitibo sa nararamdaman ng iba at sa mga ipinahihiwatig ng kanilang emosyonal na kondisyon.


·      Unawain ang kahalagahan ang self-awareness at self-care, gayundin ng other-awareness at other-oriented care at maging ang tambalan ng mga ito.

·      Pairalin at palaganapin ang kultura ng pagkalinga sa lahat ng espasyo (space) at ispera (sphere).

·      Palakasin ang mental health advocacy sa pamilya, paaralan, organisasyon, empleyo, komunidad at lipunan. Mahalaga ang pagtiyak na safe space para sa lahat ang mga kapaligirang ito.

·      Pahalagahan at palaganapin ang pagbibigay ng psychological first aid sa mga nangangailangan at sa iba’t ibang konteksto at kondisyon.

- Advertisement -

·      Maging sensitibo sa pagtukoy, pagbibigay-pansin at pagtugon sa mga mental health problem dahil maaaring ang mga ito ay hindi tuwirang nakikita o kapansin-pansin agad tulad ng pangkaraniwang pisikal na kapansanan.
·      Maging malay (o aware) sa mga adaptive at maladaptive coping mechanism ng mga indibidwal. Kung kakayanon, tulungan sila maiproseso ang mga ito at maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng mga nakabubuti at nakasasamang dulog o lapit (approach).

·      Mag-ingat sa pagsandig sa pop psychology dahil sa tendensiya nitong
i-oversimplify ang mga masalimuot na kondisyon. Sumangguni sa mga eksperto sa larangan upang maging evidence-based ang diagnosis at treatment.

·      Ipagbigay-alam kung saan at kanino maaaring humingi ng tulong. Isaad ang pangalan ng institusyong pangkalusugan at ang kaukulang contact persons at contact details.

·      Pahalagahan at unawain ang positive psychology upang maitampok at maitanghal ang human potential at human strength tungong kaganapan ng human flourishing.

·      Unawain ang social determinants at socio-economic factors na nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan. Halimbawa, ang kawalan ng akses sa likas-kayang bahay/pabahay ay labis na nakapag-aalala at nakababahala.

·      Intindihin ang epekto ng materyal na kondisyon (obhetiko o ekonomiko) sa mental health ng mga bulnerableng indibidwal at grupo. Tumutukoy ito sa empleyo, kabuhayan, lupa, kita, ipon, puhunan, pagkain, tubig, kuryente, gamot, bahay at iba pang batayang pangangailangan.

- Advertisement -

·      Gawing sistematiko ang referral system at referral pathway upang mas maging maayos at mabilis na maidulog, maisangguni at matugunan ang mga pangangailangang medikal ng kinauukulan.

·      Pagtambalin ang pharmacologic at non-pharmacologic approach sa pagtugon sa mga karamdaman sa pag-iisip. Ang pharmacologic ay tumutukoy sa iniinom na iniresetang gamot samantalang ang non-pharmacologic ay maaaring sumaklaw sa psychological therapy at social support mula sa manggagawang pangkalusugan, pamilya, kaibigan at komunidad.

·      Ipaloob ang mental health education sa iba’t ibang kurso at antas ng pag-aaral sa pamamagitan ng spiral approach na magsisimula sa batayang lebel hanggang maging mas malalim ang pagdalumat at pagtalakay.

·      Pondohan at tiyaking may sapat na suplay ng ligtas at abot-kayang gamot ang mga institusyong pangkalusugan.

·      Tiyaking may health human resources na sapat ang kaalaman at kasanayan sa larangan ng mental health care na sumasaklaw sa iba’t ibang life stages ng populasyon at pasyente.

·      Hasain ang kasanayan at ihanda ang kalooban ng mga pamilya at tagapag-alaga upang mas magampanan nila ang kanilang papel bilang kritikal na bahagi ng ganap na pagbuti at reintegrasyon ng pasyente.

·      Gamitin ang socio-ecological approach bilang balangkas upang higit na maunawaan ang iba’t ibang antas ng pangangalaga at pagsusulong ng mental health (personal, peer, family, community at policy ecology).

·      Palakasin ang cross-disciplinal na pag-unawa at pagtugon sa mga mental health problem batay sa mga sumusunod na salik na nakakaapekto rito: kalikasan, biyolohiya, nutrisyon, kabuhayan, politika, pamamahala, kultura, kasarian at iba pa.

·      Unawain at tugunan ang nagbabagong katangian at kompleksidad ng hamon ukol sa kalusugang pangkaisipan batay sa bawat yugto at magkakaibang antas ng buhay. May mga pagkakapareho pero marami ring pagkakaiba ng karanasan depende sa edad, estado sa buhay at maging kasarian.

·      Ikonsidera ang epekto ng kahirapan sa prebensyon, paggamot at rehabilitasyon kaugnay ng kalusugang pangkaisipan. Lagi’t lagi mas magiging mapanghamon ang sitwasyon sa mga nasa laylayan ng lipunan dahil sa kakulangan ng akses sa rekurso at oportunidad.

·      Bigyang-halaga ang health promotion at health prevention kaugnay ng pagsusulong ng kalusugang pangkaisipan. Wika nga, itinuturing na first lines of defense ang health promotion (empowerment) at health prevention (protection), lalo na sa konteksto ng isang mahirap na bansa.

·      Pahalagahan ang kritikal na papel ng kalikasan sa mental health. Sa pangkalahatan, nakakapagpanatag ng kalooban at kaisipan ang banayad na ihip ng hangin, pagaspas ng mga dahon at lagaslas ng tubig.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -