27.3 C
Manila
Martes, Hunyo 30, 2026

Cayetano: Huwag tayong maging ‘fatherless nation’

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBABALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules laban sa posibilidad na maging isang “fatherless nation” ang bansa.

Dahil dito, hinimok niya ang mga opisyal ng gobyerno na maging sandigan, gabay, at tagapagtanggol ng mamamayan sa gitna ng krisis sa ekonomiya, mga kalamidad, at lumalalang karahasan.

Sa isang Facebook Live broadcast nitong June 24 kasabay ng ika-23 anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang amang si dating senador Renato “Compañero” Cayetano, sinabi ng senador na ang pagmamalasakit, paggabay, at pananagutang inaasahan sa isang ama ay dapat ding makita sa serbisyo publiko.

“There’s so many experience na feeling ng tao fatherless siya… Pero iba raw kapag community, kapag bansa, ang nakaramdam na ‘fatherless,’” wika ni Cayetano.

Aniya, hindi lamang ito para sa mga ama ng tahanan kundi para rin sa mga pinunong pinagkatiwalaan ng taumbayan.


“Maging lalaki o babae ang barangay captain, ang principal sa school, ang directors sa gobyerno, ang mayors, governors. Sa ating mahal na Pangulo, let’s not let people feel that they’re ‘fatherless,’” wika niya.

Sinabi ni Cayetano na sa harap ng sunod-sunod na hamon na kinakaharap ng bansa — mula sa hirap ng ekonomiya at pinsalang dulot ng lindol sa Mindanao hanggang sa mga karahasang kinasasangkutan ng kabataan — naghahanap ang mga Pilipino ng lider na magbibigay ng katiyakan at direksyon.

“Ngayon na may economic crisis, may problema ng earthquake sa Mindanao, y’ung mga killings na nangyayari sa mga eskwelahan… people are looking for a father,” wika niya.

“Sometimes you didn’t ask to be the father, pero kung ikaw ay barangay captain, kung ikaw ay Mayor, Governor, ikaw ay Presidente, ikaw ay head ng COA, ng AFP, ng PNP, people need a father,” dagdag niya.

- Advertisement -

Ayon kay Cayetano, ang tunay na liderato ay nagbibigay ng kapanatagan at tiwala sa mga tao kahit sa panahon ng kawalan ng katiyakan.

“Kapag naramdaman talaga ang pagmamahal ng isang tatay, mararamdaman mo y’ung protection, y’ung comfort, at saka kahit may uncertainties, alam mong may panghahawakan ka,” wika niya.

Binigyang diin ni Cayetano anuman ang posisyon sa gobyerno, dapat isabuhay ng mga opisyal ang malasakit, pananagutan, at pag-aarugang karaniwang inaasahan mula sa isang ama para sa kanyang pamilya.

Hinimok niya ang publiko na ipanalangin hindi lamang ang kanilang mga pamilya kundi maging ang mga lider na namumuno sa mga komunidad at sa buong bansa.

“Let’s pray for father of a nation, father ng schools, father ng mga bawat bayan at siyudad,”  wika niya.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -