27.3 C
Manila
Martes, Hunyo 30, 2026

Mga dahilan kung bakit bumaba ang YOY inflation noong Abril 2026

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

BAKIT bumaba ang year-on-year (YOY) inflation noong Mayo 2026? Ano ang gagawin  ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang miyembro ng economic team para bumaba ang inflation at maibsan ang epekto nito?

Mula sa taluktok na 7.2% YOY inflation noong Abril 2026, bumagsak ang antas nito sa 6.8% noong Mayo. Mas mababa ito kaysa sa private sector analysts’ median estimate na 7.8% at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) forecast na 7.1%-7.8%.  Dinala nito ang average na year-to-date (YTD) inflation sa 4.5%, lagpas sa 2.0-4.0% inflation target ng gobyerno at pinakamataas na 5-month average sa loob ng tatlong taon.

Sa mga 13 sector sa ekonomiya, umakyat ang YOY inflation ng sampung commodity groups at tatlo lang ang bumaba. Ngunit dahil malaki ang pagbagsak ng transport mula 21.4% sa 16.2%, nahila nito pababa ang average inflation ng buong consumer basket.

Ang mga pinakamataas na YOY inflation ay naitala ng transport, 16.2%; housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels, 7.8%; restaurants at accommodation services, 6.7%; food at nonalcoholic beverages, 5.7%; alcoholic beverages at tobacco, 5.6%; recreation, sports, at culture, 5.2%; at health, 4.1%.  Nanatiling mas banayad ang galaw ng furnishings, household equipment, at routine household maintenance, 3.9%; personal care at miscellaneous goods at services, 3.4%; clothing at footwear, 3.0%; education, 2.9%; information at communication, 2.0%; at financial services, 0%.    (Table 1)

Sinundan ng YOY inflation rate ang pagbagsak ng presyo ng langis. Mula sa $105.3 bawa’t bariles noong Abril, nag-normalisa ang presyo ng Dubai crude oil sa $102.3 noong Mayo nang nagkaroon ng pansamantalang tigil-putukan para magbigay ng panahon para sa negosasyon ng mga magkatunggaling bansa. Ngunit mataas pa rin ang antas ng presyo; mas mataas ito ng 62.3% kumpara sa presyo noong Abril 2025 na $63.0 bawa’t bariles.


Aling commodity items ang nag-contribute sa YOY inflation na ito? Ang pinakamalaking pagtaas ay galing sa non-food na nagtulak sa presyo pataas ng 4.39 percentage point sa YOY inflation; mas mababa kaysa sa 4.86 noong nakaraang buwan. Sinundan ito ng pagkain na nagtulak pataas ng 2.16 percentage point. Sa pagkain, ang pinakamalaki ay galing sa isda (0.55 percentage point), bigas (0.28 percentage point),) vegetables (0.17 percentage point).  Itinulak naman pababa ng karne ang presyo ng 2.45 percentage point.

Sa mga non-food items, ang mga pinakamalaking lukso ay galing sa transport (1.49 percentage point), housing, water, electricity, gas, at other fuels (0.99 percentage point), restaurants at accommodation services (0.65 percentage point), at clothing at footwear (0.62 percentage point), at. (Table 2)

Sa month-on-month (MOM) inflation naman, lumagapak ng -0.5% ang mga presyo noong Mayo kumpara sa mga antas nito noong Abril kumpara sa pag-akyat na 2.6% noong Abril. Parehong nagtala ng negatibong antas ang MOM inflation ng pagkain (-0.4%)  at non-food (-0.7%).

Nagtala ng pinakamalaki na negatibong MOM inflation ang transport na lumagapak ng -5.1% kumpara sa 9.5% na pag-akyat noong Abril. Sinundan ito ng food at nonalcoholic beverages (-0.4%), at housing, water, electricity, gas at other fuels na bumaba ng -0.3%. Ngunit patuloy ang pag-akyat ng alcoholic beverages at tobacco ng 0.8%; restaurants at accommodation services ng 0.8%; furnishings, household equipment at routine household maintenance ng 0.5%; health services ng 0.5%; recreation, sports and culture ng 0.4%; personal care goods at services ng 0.3%; at information at communication ng 0.1%).

- Advertisement -

Ang mga malalaking share sa consumer basket ang nagpabigat sa pasanin ng consumer base sa YOY inflation. Ang pinakamalaki ng impact sa pasaning ito ay sa non-food items (4.39 percentage point) at pagkain (2.16 percentage point).

Sa mga non-food items, pinakamabigat ang dating ng transport (1.49 percentage point); housing, water, electricity, gas at water (0.99 percentage point); restaurants at accommodation services (0.65 percentage point); clothing at footwear (0.62 percentage point); at recreation, sports at culture (0.47 percentage point)

Sa mga food items, isda, bigas, at gulay and nagtulak sa MOM inflation ng 0.55, 0.28, at 0.17 percentage point, respectively. Pinagaan naman ito ng karne (-0.18 percentage point).

Sa ganang MOM inflation, pinagaan ng non-food ang presyo ng -0.42 percentage point at pagkain ng -0.14. Pinakamalaki ang kontribusyon ng transport na -0.46 percentage point ngunit binawasan ang paggaan ng pagtaas ng presyo ng mga restaurants at accommodation services na 0.08 percentage point.

Sa pagkain, nagtabla ang isda at bigas sa pagbabawas ng MOM inflation ng -0.06 percentage point. Sumunod ang gulay ng -0.02 percentage point. Pinabigat naman ito nang bahagya ng karne (0.01 percentage point).

Dahil sa lumalalang inflation, inakyat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rates ng 0.25 percentage point sa 4.5% noong pagpupulong nila noong  Abril 23, 2026.

- Advertisement -

Pinalawak naman ng pamahalaan ang mga programang ayuda sa mga nangangailangan, gaya ng subsidized rice distribution at ang pansamantalang price ceiling na P50/kg sa mga piling imported na bigas. Ganoon din ang  pinalawak na suporta para sa sektor ng transportasyon upang mabawasan ang epekto ng mas mataas na gastos sa gasolina na kinabibilangan ng Fuel Subsidy Program (FSP) na ipinamahagi sa mga public utility vehicles (PUV) units at  PUV drivers, at ang diskwento sa gasolina sa mga kalahok na gasolinahan; at cash assistance sa 1.64 milyong manggagawa sa transportasyon sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 Table 1. CONSUMER INFLATION, March-May 2026

 

YEAR-ON-YEAR         MONTH-ON-MONTH
Mar Apr May Mar Apr May
ALL ITEMS 4.1% 7.2% 6.8% 1.4% 2.6% -0.5%
Food and Non-Alcoholic Beverages 2.9% 6.0% 5.7% 0.4% 1.5% -0.4%
Alcoholic Beverages and Tobacco 3.7% 4.8% 5.5% 1.0% 1.3% 0.8%
Clothing and Footwear 2.6% 2.8% 3.0% 0.2% 0.2% 0.3%
Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels 4.7% 8.2% 7.8% 1.2% 4.0% -0.3%
Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance 3.1% 3.5% 3.9% 0.3% 0.5% 0.5%
Health 3.4% 3.8% 4.1% 0.5% 0.6% 0.5%
Transport 9.9%  

21.4     %

16.2% 9.5% 9.5% -5.1%
Information and Communication 0.7% 0.9% 0.9% 0.1% 0.2% 0.1%
Recreation, Sports and Culture 4.7% 4.9% 5.2% 0.1% 0.3% 0.4%
Education Services 2.9% 2.9% 2.9% 0.0% 0.0% 0.0%
Restaurants and Accommodation Services 5.0% 6.0% 6.7% 0.8% 1.2%  

0.8%

Financial Services 0.0% 0.0% 0.0% 0.0% 0.0% 0.0%
Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services 2.9% 3.3% 3.4% 0.3% 0.6% 0.3%
Source: Philippine Statistics Authority

 

Table 2. Consumer Price Index for All Income Households
and Month-on-Month and Year-on-Year Percent Changes in the Philippines
(2018=100)
Commodity Group Inflation Rates
(in percent)
Impact on Inflation

(in percentage points)

YOY MOM YOY MOM
FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES  

5.70

 

-0.36

 2.16 -0.14
Food  

5.45

 

-0.36

 2.02  -0.14
Rice    3.87  -0.76  0.28  -0.06
Meat    -2.45  

0.07

 -0.18  0.01
Fish and Other Seafood    8.80  

-0.10

 0.55  -0.06
Vegetables    6.20  

-0.80

 0.17  -0.02
ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO    5.45  

0.83

 0.16  0.02
NON-FOOD 7.40 -0.70  4.39 -0.42
CLOTHING AND FOOTWEAR    2.99  

0.32

 0.62  0.07
HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS  

 

7.83

 

 

-0.30

 0.99 -0.04
 FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE  

 

 

3.87

 

 

 

0.47

 0.12  0.01
HEALTH    4.06  

0.46

 0.12  0.01
TRANSPORT  16.18  

-5.05

 1.49 -0.46
INFORMATION AND COMMUNICATION    0.87  

0.10

 0.17  0.02
RECREATION, SPORT AND CULTURE    5.17  

0.40

 0.47  0.04
EDUCATION SERVICES    2.91  

0.32

 0.05  0.01
RESTAURANTS AND ACCOMMODATION SERVICES  

 

6.73

 

 

0.79

 0.65  0.08
FINANCIAL SERVICES        –      –      –      –
PERSONAL CARE, AND MISCELLANEOUS GOODS AND SERVICES  

 

3.42

 

 

-0.32

0.14  -0.01
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -