29.4 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 24, 2026

Pagkakaiba ng impeachment sa kasong kriminal at ang proseso ng impeachment

- Advertisement -
- Advertisement -

Ikalawang bahagi

NILINAW sa Impeachment Primer ng University of the Philippines’ College of Law na may pagkakaiba sa impeachment at kasong krimininal.

Ang impeachment ay sui generis o katangi-tangi. Hindi ito striktong legal o striktong pulitikal na proseso. Ang tanging pakay nito ay tanggalin ang opisyal sa kanyang posisyon at pagbawalan na siyang humawak ng iba pang posisyon sa gobyerno. Hindi pinagbabayad ng multa o danyos ang isang opisyal dahil lamang na-impeach siya. Hindi rin nagreresulta sa pagkukulong ang hatol sa impeachment. Tingnan sa Konstitusyon Artikulo XI at 3 (7)

’Di tulad ng prosesong kriminal, hindi kailangan ng ebidensya na mahihigitan ang anumang makatwirang pagdududa na ginawa ng akusado ang krimen (proof beyond reasonable doubt) para mahatulan sa impeachment. Tinanggihan ng nakaraang Senado na gumamit ng mga pang-korteng batayan (standard of proof), e.g., substantial evidence dahil hindi pakay ng impeachment na magpataw ng parusa gaya ng sa kriminal na proseso.

Kahit na pulikital ang impeachment, ang hindi pagsunod sa mga requirements sa Saligang Batas (e.g., mga kinakailangang boto) ay maaaring suriin at baliktarin ng mga korte.


Proseso ng impeachment

Ang dalawang yugto sa proseso ng impeachment ay ang Pagsimula (Initiation), at ang Paglilitis (Trial).

Ang House of Representatives lamang ang may kapangyarihan simulan ang mga kaso ng impeachment (Const. art. XI, § 3(1))

Nakukumpleto ang Pagsimula ng impeachment kapag sumang-ayon na ang ‘di bababa sa 1/3 ng lahat ng miyembro ng House of Representatives sa mga Articles of Impeachment. Pagkatapos, ipapasa ng House of Representatives ang mga Articles of Impeachment sa Senado, na siya lamang may kapangyarihang maglitis at desisyunan ang mga kaso ng impeachment. (Const. art. XI, § 3(6))

- Advertisement -
Larawan mula sa The Manila Times

Pre-trial conference ni VP Sara, extended hanggang Sabado

Samantala, nasa ikalimang araw na ngayon (Hunyo 24) ang pre-trial conference  ng impeachment trial ni Vice President Sara Dutere subalit humiling ang House prosecution panel ma i-extend ito hanggang Sabado, Hunyo 27.

Sa kasalukuyan, nasa proseso pa rin ang prosecution at defense team sa marking ng mga ebidensya.

Sa isang press briefing sa House of Representatives noong Martes, sinabi ng House lead prosecutor and Batangas Rep Gerville Luistro na naghahanap sila ng dagdag na exhibit-marking teams at dagdag na araw para repasuhin ang libo-libong dokumento.

Sa kabilang banda, sinabi nig defense spokesman Michael Poa na maayos naman ang unang araw, “The process has been orderly since the first day of the pre-trial conference last Thursday.”

“We are hopeful of completing the pre-trial soon, but there are a lot of documents, which is normal for a case of this nature,” paliwanag ni Poa at sinabing malamang na tumagal pa hangang ngayong Sabado dahil sa mga dokumentong kailangang repasuhin ng magkabilang panig.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -