28.4 C
Manila
Martes, Hunyo 23, 2026

Prosecutors humiling ng 62 mga petsa para sa impeachment trial

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ng House prosecutors ang Senado, ang tumatayong impeachment court, na maglaan ng 62 petsa ng paglilitis para sa paglalahad nito ng mga ebidensya at testigo sa impeachment trial ni Vice Presidente Sara Duterte.

Ayon kay lead prosecutor Rep. Gerville Luistro, ang impeachment trial ni VP Sara ay maaaring tumagal lagpas Setyembre dahil parehong prosecution at defense ay maghahanda ng maraming witnesses at documentary evidence.

“If I will consider the number of witnesses and exhibits of both parties, mukhang hindi kakayanin ng hanggang September lang,” sabi ni Luistro sa mga reporter sa isang press conference.

Pero nilinaw din niya na ang impeachment court ang pinal na magpapasya sa schedule.

Kahapon, Lunes, Hunyo 22, 2026, itinuloy pre-trial conference ng impeachment kay Vice President Sara Duterte.


Nagsisilbing unang pagpupulong ang pre-trial conference ng prosecution at defense bago simulan ng mga senator-judge ang paglilitis mismo. Inaasahang sisimulan ng Senado, na nagsisilbi bilang impeachment court, ang paglilitis sa Hulyo 6.

Unang nagpulong ang magkabilang panig noong Hunyo 18 sa Senado upang iharap ng prosecution ang kanilang mga ebidensya kaugnay ng apat na Articles of Impeachment laban kay VP Sara.

Ayon kay Michael Poa, namumuno sa defense team ni VP Sara, natapos na nilang maglagay ng ‘markings’  sa Article 3 (Bribery) at Article 4 (Threats) noong Hunyo 18.

Idinagdag din ni Poa na parehong kailangan ng dalawang panig ang pagproseso ng mga dokumento para sa Aricle 1 (Misuse of public funds) at Article 2 (Unexplained wealth), na sobrang dami ang mga papeles. Dahil dito, inaasahang ngayong linggong matatapos ang pre-trial conference.

- Advertisement -

Sa kabilang banda, nagtalaga ng legal spokesman ang House of Representatives’ prosecution team. Siya ay si veteran trial lawyer Benjamin Tolosa Jr..

“As legal spokesman, he will be speaking in behalf of the prosecution team, particularly with respect to the developments that are happening in the proceedings of the impeachment trial,” sabi ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, lead prosecutor, sa isang press briefing kahapon.

Si Tolosa ay founding and managing partner ng Tolosa, Lim and Chua law firm, na nagsilbing senior associate ng Angara Abello Concepcion Regala & Cruz Law Offices.

Nilinaw ni Tolosa na ang mga petsa ng paglilitisna 62 ay maaaring mas mababa sa bilang na iyon kung papayagan ng korte ang higit sa isang saksi bawat araw.

Humingi ang defense panel ng 30 petsa.

Sinabi ni Tolosa na ang prosekusyon at ang mga pangkat ng depensa ay mayroong 51 karaniwang saksi, 26 ang pinangalanan at 35 ang hindi pinangalanan. Aniya, ang dalawang panel ay mayroong 248 magkaparehong eksibit.

- Advertisement -

Ang Senado, bilang impeachment court, ang magdedesisyon sa bilang ng mga petsa ng paglilitis sa pre-trial order nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -