27.2 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 1, 2026

Lacson: Maraming maibubunyag si ex-DPWH Sec Bonoan, ngunit dapat ding mag-restitution

- Advertisement -
- Advertisement -

MARAMING maaaring maisiwalat si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang posibleng state witness sa flood control scandal, ngunit dapat din siyang magbayad-pinsala para sa bilyun-bilyong pisong pondo ng bayan na nawala dahil sa mga anomalya, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes.

Sinabi rin ni Lacson na ang mga taong direktang nakipagtransaksiyon kay Bonoan ay dapat nang mangamba dahil sa mga impormasyong maaaring ilantad ng dating pinuno ng DPWH.

“He certainly has a lot to reveal – from allocables to anomalous flood control and other defective infrastructure projects, including but not limited to the P500M in exchange for his Commission on Appointments confirmation as DPWH secretary in November 2022. With this new development, those who had direct dealings with him must be quaking in their boots,” ani Lacson, na dating Blue Ribbon Committee chairman.

Noong Lunes, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hihilingin niya sa Sandiganbayan na alisin si Bonoan bilang respondent sa mga kasong kinahaharap nito kaugnay ng tinatayang P573 milyong kickback mula sa mga proyektong flood control.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni Remulla na mayroon silang “side agreement” kapalit ng kooperasyon ni Bonoan bilang state witness. Si Bonoan ay kapwa-akusado ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada sa isang kasong plunder na walang piyansa na nakabinbin sa Fifth Division ng Sandiganbayan, gayundin sa dalawang bilang ng graft.


Ngunit iginiit ni Lacson na dapat ding magbayad-pinsala si Bonoan para sa mga pondong nawala dahil sa anomalya sa mga proyektong flood control.

Aniya, dapat isaalang-alang dito ang hindi bababa sa P1 bilyon batay sa testimonya ng dating DPWH Undersecretary na si Roberto Bernardo, gayundin ang dalawang porsiyentong “standard operating procedure (SOP)” na binanggit sa testimonya ng dating Bulacan district engineer na si Henry Alcantara.

Sa kanyang supplemental affidavit na may petsang Nobyembre 10, 2025, sinabi ni Bernardo na paminsan-minsan ay ipinagkakatiwala sa kanya ni Bonoan ang pangangasiwa sa bahagi ng mga nakalaan nitong alokasyon. Aniya, ang halaga ng mga proyektong kanyang pinangasiwaan para kay Bonoan ay umaabot sa hindi bababa sa P5 bilyon kada taon mula 2023 hanggang 2025, na may karaniwang 15 porsiyentong commitment.

Mula sa nasabing 15 porsiyentong commitment, karaniwan umanong ibinibigay ni Bonoan sa kanya ang 25 porsiyento ng commitment, habang ang natitirang bahagi nito ay hinahati nila ng yumaong DPWH Undersecretary na si Ma. Catalina Cabral.

- Advertisement -

“At the very least, the amount must be based on earlier testimonies by resource persons of the Blue Ribbon Committee under my watch,” ani Lacson.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -