26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

VP Sara bumisita sa mga nasunugan sa Brgy 2-A Davao City

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte na binisita niya at nagbigay ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy 2-A Davao City.

Ayon sa kanya, “Binisita po natin ang mga residenteng apektado sa malaking sunog na ikinasawi ng dalawang inosenteng buhay sa Barangay 2-A sa Davao City noong nakaraang buwan.

“Ikinalulungkot ko po ang sinapit ng mga residente at minarapat ko na makausap sila upang kumustahin ang kanilang sitwasyon at para malaman ang kanilang mga kailangan.

“Pinaaalalahanan natin sila na mag-ingat at nanawagan din ako sa lahat ng mga lokal na pamahalaan lalo na ang barangay officials na kinakailangang palakasin ang kanilang Barangay Disaster Risk Reduction and Response team upang ipaalam sa publiko ang mga pre-emptive measures kapag may sakuna.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -