30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Villanueva: IRR ng batas na magbibigay ng P10,000 teaching allowance sa mga guro sa pampublikong paaralan, nilagdaan na

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senador Joel Villanueva na ang Kabalikat sa Pagtuturo Act ay ipatutupad na matapos niyang lagdaan ang IRR ng batas na magbibigay ng P10,000 teaching allowance sa ating mga guro sa pampublikong paaralan.

Aniya, “Bilang anak ng parehong public school teachers, alam po natin ang kanilang hirap at sakripisyo para siguruhin na mabibigyan ang mga estudyante ng kalidad na edukasyon. Kaya bilang author at co-sponsor ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, masaya po tayo sa paglagda ng IRR ng batas na magbibigay ng P10,000 teaching allowance sa ating mga guro sa pampublikong paaralan.

“Umaasa po tayo na sa pangunguna ni DepEd Philippines Secretary Sonny Angara, mabilis na mapapatupad ang batas na ito.

“Maraming salamat at congratulations po sa lahat ng mga guro.  Mabuhay po kayo! God bless you all

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -