NGAYONG Agosto, ihahatid ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL), sa pakikipagtulungan sa Komite sa Wika ng Kolehiyo ng Edukasyon at Pinag-isang Paaralan ng UP, ang ikalimang episode ng talaSalitaan Online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan.
Sa episode na ito, pagtutuonan ang usapin ng wikang Filipino sa sitwasyon ng batayang edukasyon sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin at pagbabagong hatid ng Matatag Curriculum sa edukasyon sa Pilipinas? Paano ito tatasahin isang taon matapos itong mailunsad? Nasaan ang lugar ng wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas sa bagong kurikulum? Sa estado ngayon ng edukasyon sa Pilipinas, lalo na ang mababang iskor natin sa PISA, ano ang papel ng Filipino bilang wikang panturo? Paano itinataguyod ng UP Kolehiyo ng Edukasyon at ng UPIS ang Filipino at mga wika sa Pilipinas?
Magsisilbing mga Tagapagsalita sina:
(1) Kat. Prop. Crizel Sicat-De Laza, Katuwang na Propesor, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas Diliman;
(2) Kat. Prop. Katrina Paula Ortega, Katuwang na Propesor, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas Diliman; at
(3) Kat. Prop. Michael Angelo Dela Cerna, Dating Pinuno, Departamento ng Sining Pangkomunikasyon sa Filipino, UPIS
Tatayong Tagapagpadaloy ang University Extension Specialist ng SWF-UPD na si Gng. Katherine Tolentino Jayme.
Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan!
Mapapanood ito nang live sa Agosto 16, 2024 (Biyernes), 2:00 nh – 3:00 nh sa SWF-UPD platforms <https://www.facebook.com/@swfupd> <https://www.youtube.com/@swfupd> at sa UPOU platforms <https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks> <networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online>