27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Cayetano: Kailangan ng magandang pundasyon para sa pambansang pagbabago

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA kay Senador Alan Peter Cayetano, ang kailangan ng bansa upang makamit ang tunay at pangmatagalang pambansang pagbabago ay isang estratehiya na pagpapatibay ng pundasyon.

Binigyang-diin niya ito sa paglulunsad ni Jeremiah Belgica ng kanyang aklat na “Rebuilding Foundations: Touching Base with What Makes a Nation Stand” nitong August 9, 2024 sa Lungsod ng Taguig.

“Whether you talk about Jesus or the apostles, there was always a strategy. There is a strategy. Now with this book, when Jeremiah (Belgica) talks about foundations, he is sharing with you a God-given strategy,” wika ni Cayetano.

Isang tapat na Kristiyanong lider, inirekomenda ni Cayetano ang aklat ni Belgica at sinabing ang pagkakaugat sa Salita ng Diyos ay magandang pundasyon para sa pagbabago.

“God never said ‘if you become a Christian nation, hindi magbabaha.’ In fact He said the rains will come, the winds will blow, the water will rise, but if tama ang foundation, hindi ka mauuga. The house will remain standing,” aniya, na tumutukoy sa mga sipi mula sa Mateo 7 sa Bibliya.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Cayetano na ang pagtatayo ng mali o masamang pundasyon na hindi nakaugat sa Salita ng Diyos ay humahantong sa kabiguan. “Hindi man bumaha, kaunting hangin, tumba na. O kaya kaunting sira sa wiring, nasunog na,” wika niya.

Sinabi ni Cayetano na ang aklat ni Belgica ay mahalaga para sa sinumang naghahangad na magtayo ng epektibo at matatag na pundasyon.

“These are the reasons why Jeremiah is talking about foundations — first , because it is strategic, and second, when you have good foundations, everything else follows,” sabi niya.

Kasalukuyang abala sina Cayetano at Belgica sa mga gawain tungo sa pambansang pagbabago. Kabilang dito ang pagpapalakas ng pitong aspeto sa lipunan na humuhubog sa kultura: pamilya, negosyo, simbahan, gobyerno, kalusugan, edukasyon, at media.

Sinabi niya na hindi band-aid solution ang kanilang habol kundi mga diskarte sa Kaharian para sa tunay at pangmatagalang pagbabago.

“For example, if the media gives you movies or series that don’t give the right values, you might have an agreement that works for a year or two in the administration, but babalik din,” paliwanag niya.

Bilang pagtatapos, pinuri ni Cayetano si Belgica sa kanyang pagtuon sa makabuluhang pagbabago.

“Jeremiah’s heart is with real transformation. Mahal niya ang Diyos, mahal niya ang bayan. Totoo iyan, one hundred eleven percent,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -