27.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 13, 2024

Mas mabigat na parusa vs sexual assault kasama ang kamatayan, itinulak ni Sen Robin

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINULULAK ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla ang mas mabigat na parusa —kasama ang kamatayan — laban  sa sexual assault sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kasalukuyang Anti-Rape Law of 1997.

Sa Senate Bill 2777 na ihinain ngayong Lunes, Agosto 12, layunin ni Padilla ang tiyaking hindi lang mas malakas ang ating mga batas kundi mas “gender-responsive,” dahil parehong lalaki at babae ang biktima ng sexual assault.

“Despite the penalties under RA 8353, this representation still finds it compelling to increase the punishment for any person who shall commit an act of rape as stated under Paragraph 2, Article 266-A of the Revised Penal Code, as amended by RA 8353,” aniya.

“By doing so, we can be more certain that our laws are stronger, more gender-responsive, and progressive especially in these changing times,” dagdag niya.

Ani Padilla, nakasaad sa 1987 Constitution ang pagbigay ng kahalagahan sa paggalang sa karapatang pantao. Mismo ring Saligang Batas ang nagtakda sa Kongreso na bigyang prayoridad ang batas na protektahan ang karapatan sa dignidad.

Dagdag niya, may pag-aaral ang Council for the Welfare of Children at United Nations Children’s Fund (Unicef) noong 2017 kung saan mas maraming lalaki na edad 13 hanggang 24 ang nakaranas ng sexual violence kumpara sa babae.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Padilla, ang reclusion perpetua hanggang kamatayan ay ipapataw kung:

  • ang rape ay ginawa na gamit ang deadly weapon o ginawa ng dalawa o higit pang tao;
  • ang biktima ay masiraan ng bait dahil sa nangyaring rape;
  • may homicide na nangyari sa pagtangkang rape
  • ang rape ay ginawa kasama ang “aggravating or qualifying circumstances” sa artikulo.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -