27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Proud Daddy moment

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senator Miguel “Migz” Zubiri na namahagi ang kanyang pamilya ng tulong sa mga pamilyang apektado ng baha sa Hagonoy at Paombong, Bulacan. Narito ang kanyang post sa kanyang Facebook page.

“Proud na proud ako sa aking mga anak na sina Adriana at Juanmi kasama ng aking mahal na asawa na si Audrey sa pagbibigay ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng baha sa Hagonoy at Paombong, Bulacan.

“Gamit ang ating personal funds, naghanda tayo ng kaunting tulong para sa ating mga kababayan na patuloy pa ring bumabangon mula sa Bagyong Carina.

“Special thank you kay Ate Adriana for helping to raise personal funds for our relief goods through her very own Hawak Kamay Foundation.

“Nagpapasalamat rin tayo kina Kon. Tina Perez, Chairman Henry Marigsa, at mga kagawad ng Hagonoy, at kina Usec. Donato Marcos at Princess Marcos ng Paombong na nakatulong natin sa ating pamimigay ng relief goods.

“Patuloy po kaming nakasuporta sa pagbangon ng Bulacan.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -