27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

‘Comprehensive traffic plan,’ mungkahi ng kapulisan sa mga lokal na pamahalaan

- Advertisement -
- Advertisement -

IMINUNGKAHI ni Chief of Regional Staff ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa na si Police Colonel Nathaniel  Villegas ang isang Comprehensive Traffic Plan ng mga lokal na pamahalaan upang maging ligtas ang pagbyahe ng mga motorista.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas kamakailan, sinabi ni Villegas na malaki ang ambag ng awareness campaign sa mamamayan.

“Nakikita natin ang development ng Mimaropa, lumalapad ang daan, dumadami ang sasakyan, kaya awareness pa rin ang kailangan at sana ang lahat ng mga local government units ay magkaroon ng isang ordinansa…isang komprehensibong ordinansa na ang lahat ng munisipalidad ay magkakapareho ang traffic plan para mabawasan ang aksidente at maiwasan ang pagbubuwis ng buhay,” pahayag ni Villegas.

Dagdag pa nya na sa mga batas na isusulong ay dapat mahigpit itong ipatupad lalo na ang pagsusuot ng mga ligtas na kagamitan tulad ng helmet at safety gears sa mga nagmo-motorsiklo at disiplina sa sarili tulad nang hindi nagmamaneho ng lasing, at iba pa.

Ayon pa kay Villegas, handa ang kapulisan na suportahan ang mga ipapatupad na batas upang ang buhay ay ligtas at mapahalagahan sa buong rehiyon. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -