NAGPASALAMAT si Education Secretary Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos aprubahan sa ginanap na cabinet meeting kamakailan ang paglikha ng Cabinet Cluster for Education para sa hangaring bigyang solusyon ang mga gaps sa sistema dahil sa kakulangan ng koordinasyon ng tatlong ahensya para dito – ang Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority.
Batay sa pag-aaral ng EdCom2, hindi nag-uusap o kulang sa koordinasyon ang mga ahensya kaya tayo nalugmok sa mga problema tulad ng learning crisis, kakulangan sa skills ng SHS graduates para magka-trabaho, unfilled guidance counselor positions, atbp.