26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Sen Go panauhing pandangal ng Vice Mayors League of the Philippines LGUs Summit

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGING panauhing pandangal si Senator Bong Go sa ginanap na Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) Smart LGUs Summit nitong Miyerkules, August 14, na idinaos sa Grand Xing Hotel, Iloilo City.
Ipinaalala niya sa mga lokal na opisyal na panatilihin ang kanilang integridad at magserbisyo nang tapat para manatili ang tiwala ng taumbayan sa mga nasa pamahalaan.
Pakiusap din niya sa ito, ilapit ang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan at laging gawing prayoridad na matulungan ang mga mahihirap, hopeless, helpless at walang malalapitan maliban sa gobyerno.
Samantala, nagpas ng resolusyon ang VMLP na nagdedeklara ng kanilang taus-pusong suporta para kay Mr. Malasakit Senator Bong Go dahil sa mga programa at adbokasiya ng senador na makatutulong sa mga kababayan nating Pilipino.
Dumalo sa pagtitipon ang ilang LGU officials na sina Iloilo City Vice Mayor Jeffrey Ganspn, Mayor Tito Mayo ng Cuartero, Capiz, at Mayor Nathalie Anne Debuque ng Anilao, Iloilo. Present din ang mga VMLP national officers gaya nina National President Vice Mayor Dean Anthony Domalanta, VM Bernard dela Cruz, VM Mayor Arvin Losaria, VM Erdio Valenzuela, VM Glen Hatulan, VM Maynard Francis Bumanglag, VM Michael Galang, VM Maria Isabel Sagarbarria, VM Kathleen Bandal, at VM Faustino Olowan. Naroon din ang kaibigang aktor na si #MrIPEktibo Philip Salvador.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -