27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Karagdagang suporta para sa para-athletes, nais isabatas ni Sen Bong Go

- Advertisement -
- Advertisement -
ISINUSULONG ni Senator Bong Go, chairperson ng Senate Committees on Sports at on Youth, ang panukalang Senate Bill No. 2116 na naglalayong amyendahan ang Section 8 ng Republic Act No. 10699, o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.”
Sa pagsalang ng ating mga para-athletes sa 2024 Paris Paralympic Games, nais niyang mataasan ang insentibo ng ating para-athletes na mag-uuwi ng medalya mula sa kwalipikadong international competitions.
Maliit lang ang natatanggap ng para-athletes kumpara sa ibang elite national athletes. Ayon kay Senator Bong Go, pareho naman ding karangalan ang kanilang naiuuwi sa bansa sa kabila ng kanilang kapansanan. Ang incentives ay hindi lang rewards kundi pagkilala na rin sa kanilang pagsisikap at dedikasyon.
Kaya para kay Senator Kuya Bong Go, dapat suportahan ng pamahalaan ang lahat ng mga atleta sa pantay na paraan at mabigyan din ng pantay na oportunidad dahil pinaghirapan din nila ang makakuha ng ginto, silver, o bronze. Pinaghirapan din ng ating para-athletes ang bawat laban.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -