27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Gatchalian hinimok ang economic managers na tumutok sa pagtugon sa inflation para sa ‘bottom 30%’ ng income households

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang economic managers ng bansa na tumutok sa pagtugon sa inflation para sa tinaguriang bottom 30% ng income households o ang pinakamahirap sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, habang malaki ang ibinaba ng headline inflation sa lahat ng income households sa ikalawang anim na buwan ng 2022 hanggang sa unang anim na buwan ng 2023, nananatiling mataas ang inflation sa mga nasa kategorya ng bottom 30% ng income households.

Noong 2022, aniya, ang headline inflation ay umabot sa average na 5.8% kahit na ang inflation rate para sa bottom 30% ay nakapagtala ng mas mataas na 6.6%. Noong nakaraang taon, ang headline inflation sa lahat ng income households ay umabot sa average na 6.0% laban sa headline inflation ng nasa bottom 30% na 6.7%. Ngayong taon, ang headline inflation para sa lahat ng income households sa unang anim na buwan ay nasa 3.6% habang nanatiling mas mataas sa 4.8% ang inflation para sa bottom 30%.

Ang mas mataas na inflation rate ng bottom 30% ng income households ay dulot ng mataas na presyo ng mga food items, ayon kay Gatchalian.

“Ang ating mga kababayan ay napaka sensitibo sa presyo ng pagkain at bigas. Ito ay isang bagay na nais kong bigyang-diin dahil karaniwan tayong tumitingin lamang sa pigura o kung ano ang naitalang headline inflation ngunit malinaw na ang pinakamahirap na bahagi ng ating lipunan ay mas nararamdaman ang epekto nito kumpara sa iba,” sabi ni Gatchalian sa isang pagdinig sa Senado.

Ayon sa kanya, kailangan ng pamahalaan na magpatupad ng mga programa na tutugon sa mataas na inflation rate lalong lalo na para sa mga nasa bottom 30% ng income households.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, binigyang-diin ni Gatchalian na habang inaasahan na ang planong bawasan ang taripa sa pag-iimport ng bigas ay magpapababa ng presyo ng butil ng bigas, kailangan din ng pamahalaan na magkaroon ng pangmatagalang estratehiya upang patatagin ang supply chain at palakasin ang produksyon at suplay upang hindi masyadong maramdaman ang epekto ng inflation.

Sinabi pa niya na kailangang tiyakin ng pamahalaan na ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng pamahalaan ay maisakatuparan nang epektibo. “Ang iba’t ibang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng tulong pinansyal ay dapat naaayon sa target na mga benepisyaryo at masigurong napupunta ito sa talagang mga nangangailangan,” sabi ni Gatchalian.

Iminungkahi ng pamahalaan ang alokasyon ng pondong P591.8 bilyon sa taong 2025 para sa iba’t ibang programa ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbibigay ng ayuda

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -