SINABI ni Senador Nancy Binay ang kahalagahan ng teknolohiya para mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga nasa laylayan ng lipunan.
“Kanina, sa hearing ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, pinag-usapan natin kung papaano lalong pagbubutihin ang ating Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/ Displaced (Tupad) Workers Program.
”Believer ako sa paggamit ng teknohiya. Malaki ang maitutulong ng mapping project lalo na sa mga lugar na napag-iiwanan at di-naabot ng ayuda. We need to utilize technology para mas mabilis at madaling matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang nasa laylayan ng lipunan.”