27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Nell Buenaventura, itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2024

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINANGHAL si Nell Buenaventura na KWF Mananaysay ng Taón 2024 pára sa kaniyang sanaysay na “Pagpopoókang Nasyonal tungong Lokal hanggang Internasyonal: Pedagohiya’t Dihital na Humanidades sa Pagpapasigla ng Wika.” Nakatanggap siyá ng P30,000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng Taón,” medalya, at plake.

Nagwagî din si Dr. David Michael San Juan ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Sipat sa Sitwasyong Pangwika ng Bansa Bílang Lunsaran ng Pagbabalangkas ng Pambansang Planong Salubungan ng Estado-Sentrikong Polisiya at Babá-Taas na Adbokasiya Túngo sa Preserbasyon ng mga Wika sa Pilipinas.” Makatatanggap siyá ng P20,000.00 at plake.

Hinirang naman si Precioso Dahe Jr. sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Ang mga Tertulyang Rehiyonal, Mga Kag-Lambaga hinggil sa Katutubong Wika: Ang Preserbasyon at Pagbuo ng Modernong Espasyo mula sa Guho ng Babel.” Makatatanggap siyá ng P15,000.00 at plake.

Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay taunang gawad ng KWF para sa pinakamahusay na sanaysay hinggil sa mga pilî at napapanahong tema. Sa pamamagitan ng timpalak na ito, naitatanghal ang Filipino bílang wika ng saliksik.

Ang mga nagwagi ay ginawaran sa KWF Gabi ng Parangal kahapon, Agosto 19, 2024.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -