KINILALA ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Summit ang tatlong ahensya ng pamahalaan bilang “Leading Agencies with the Highest Beneficiaries” sa Serbisyo Fair.
Ang mga ito ay ang Departmenr of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DoLE), at Department of Health (DoH), na nagpakita ng natatanging dedikasyon sa pagbibigay ng maayos, mabilis, maginhawa at masayang serbisyo sa mga mamamayan.