ILANG araw na lang bago ang deadline ng registration, narito ang patnubay sa bawat kategorya ng kompetisyon. Tandaan, sa Setyembre 5, 2024, 11:59 ng gabi ang deadline.
Tara na’t makilahok sa muling pagbubukas ng entablado para sa pinakamalawak na patimpalak para sa pinakamahuhusay na mananayaw na Pilipino.
Muling inihahandong ng National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Dance ang pagbabalik ng Sayaw Pinoy. Ang palatuntunan ay magaganap sa Setyembre 26 hanggang Setyembre 28, 2024.
Sayaw Pinoy na!