27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Sen Bong tumulong sa mga maliliit na kooperatiba sa Nortern Mindanao

- Advertisement -
- Advertisement -
PINANGUNAHAN ni Senator Kuya Bong Go ang pagkakaloob ng tulong pinansyal para sa 22 maliit na negosyante na miyembro ng kooperatiba sa Northern Mindanao region.
Ginanap ang aktibidad sa Cagayan de Oro ngayong Huwebes, August 22.
Nakatuwang ni Mr. Malasakit ang Cooperative Development Authority (CDA) sa pamamagitan ng programang “Malasakit sa Kooperatiba” sa kanyang inisyatibang ito para masuportahan ang pagsulong at pag-unlad ng mga kooperatiba sa buong rehiyon.
Ayon kay Sen Kuya Bong Go, buo ang kanyang suporta sa mga kooperatiba at sentro ang mga ito sa marami niyang mga inisyatiba. Ang pondong kanilang natanggap ay puwedeng gamitin bilang kapital para mapalago ang kanilang kabuhayan, o puhunan sa kanilang maliliit na negosyo.
Dagdag pa niya, layunin niyang mapalakas ang kakayahan ng mga kooperatiba na tumulong sa kanilang mga miyembro at mapalago ang kabuhayan sa kanilang mga komunidad. Sabi pa nga ng senador, mas masarap ang pakiramdam kapag pinaghirapan at pinagpawisan ang kanilang negosyo.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -