27.5 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Mensahe ng pagmamalasakit at pag-asa ang handog ng Project Sobre sa PDLs sa Abra

- Advertisement -
- Advertisement -

PAG-ASA, pakalinga, at pagmamahal ang hatid ng Project Sobre o Sending Our Best Regards Embraces and Heartfelt Connection para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs ng Bucay BJMP District Jail sa Abra na isang inisyatibo ni Dr. Mary Hazel Ballena, Principal 3.

Kasama ang mga mag-aaral ng Pagala West Elementary School (PWES), Pagala East Elementary School (PEES), at Bangcagan Primary School (BPS) ng Bucay District Schools Division sa Abra, layunin ng programa na maiparamdam sa PDLs na may nakakaalala at nagmamahal pa sa kanila.



Dito ang mga mag-aaral ay hinihikayat na gumawa ng sulat ng pag-asa para PDLs na siya namang dinadala ni Mam Hazel at mga guro sa BJMP ng Bucay tuwing Biyernes.

Pagdating naman ng Lunes ay kukunin naman ng grupo ni Mam Hazel ang sagot ng mga PDLs sa mga mag-aaral.

Upang masiguro na ito ay maayos at buo na matatanggap ng mga PDLs at mga bata, ito ay inilalagay nila sa mga sobre na gawa sa mga lumang maong na siya namang tinahi ng mga magula ng mga bata.

“Maliban dito ay nagsasagawa rin kami ng kaunting feeding program sa 58 na PDLs ng BJMP,” ani Principal Mary Hazel.

“Tuwing meron kaming katrabaho o sponsor na may birthday o co-worker na na-promote at gustong mag- celebrate ay hinihikayat ko sila na i-share ang kanilang blessings sa mga kaibigan namin sa jail. Ako naman tuwing may competition ako na napalanunan ‘di ako nag-aatubili na ibahagi ang aking tagumpay at kaligayahan sa kanila.”

Ayon kay Principal Mary Hazel, pagkakataon din ito para sa mga bata na makita ng personal at makausap ang kanilang mga pen friends, “dahil sa interaksyon na ito ay mas naiintindihan nila ang pinagdaraanan ng mga PDLs at matutuhan nila ang kahalagahan ng pag-reach out sa kapwa nila at ang positbong epekto nito sa kapwa.”

Layunin ni Principal Mary Hazel na maipagpatuloy pa ang proyekto at mas palawakin pa ang programa at magsilbi sana itong alaala na ang mga PDLs ay bahagi pa rin ng lipunan na nangangailangan ng ating pang-unawa at pagmamahal.

Mga larawan mula kay Dr. Mary Hazel B. Ballena, Principal 3.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -