27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Onion farmers ng Nueva Vizcaya, tumanggap ng P5.8M na halaga ng tulong mula sa DA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMAHAGI ng tulong pinansiyal ang Department of Agriculture (DA) Region 2 sa mga magsasaka ng sibuyas sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kamakailan upang mapalago ang kanilang produksiyon.

Ayon kay Carol Albay, Regional High Value Crops Development Program (HVCDP) focal person, ang P5.8 million na halaga ng mga Red Onion Seeds ay ibinigay sa Abuyo Onion Growers Association sa bayan ng Alfonso Castañeda.

Ang nasabing tulong ay mula sa HVCDP regular at quick response funds ng DA.

Nauna rito, nagsagawa ng technical briefing ang DA sa mga magsasaka upang madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa industriya ng pagsisibuyas sa rehiyon dos.

“Layunin ng aming technology training na ituro at gabayan ang ating mga onion farmer sa tamang pagsasaka ng kanilang mga produkto upang lalo pa itong mapakinabangan at mapagkakakitaan,” pahayag ni Albay.

Nagpasalamat si Albay sa mga magsasaka dahil sa patuloy nilang suporta at partisipasyon sa mga programa at proyekto ng DA.

Kasama ni Albay sa pagbibigay ng briefing sina Herlo Atole mula sa Allied Botanical Corporation, Minda Flor Aquino, chief ng Regional Crop Protection Center at Editha Cortina mula sa Regulatory Division ng DA.

Maliban sa mga magsasaka ng sibuyas, ang nasabing technology briefing ay dinaluhan din ng mga opisyal ng Barangay Abuyo sa bayan ng Alfonso Castaneda. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -