PARA maibsan ang epekto ng Bataan oil spill sa Cavite, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng presidential assistance para sa higit 33,000 na mangingisda at pamilya nitong Agosto 28, 2024.
Sa distribusyon sa General Trias, Cavite, inanunsyo ng Pangulo na patuloy ang pag-iimbestiga ng pamahalaan sa nangyaring oil spill upang mapanagot ang mga may sala. Ibinahagi rin niya ang pag-usad ng oil recovery efforts para sa mga apektadong tanker.
Tulong pinansyal at panghanapbuhay, at iba’t iba pang suporta ang hatid ng pamahalaan sa mga Caviteño na apektado ng Bataan Oil Spill. Alamin ang mga detalye ng pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa probinsya nitong Agosto 28.