26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Pahayag ni Sen Hontiveros sa tuluyang pagpapatigil ng POGO sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng pahayag si Sen Risa Hontiveros sa ginagawa ng Senado upang tuluyang maipasara ang POGO sa Pilipinas.

 

Aniya, “Kaya tayo nagsusumikap sa ating mga hearing sa Senado ay upang makahanap ng mabisang solusyon para tuluyan na ngang mapasara ang mga POGO sa Pilipinas.

”Our hearings have strongly established that these POGOs are run by organized and syndicated criminal groups in complicit with some public officials. Kaya determinado rin tayong panagutin ang mga opisyal na nagbigay-daan at patuloy na nagpapatakbo sa mga ito.

”Idadagdag rin natin sa batas kung paano patatagin ang koordinasyon sa ating mga law enforcement at regulatory agencies, katuwang ang LGU, upang tuluyang mawala ang POGO at mananagot sila.

“Unfortunately, sa kabila ng mga pahayag ng pangulo sa kanyang State of the Nation (SONA), patuloy ang underground operations ng mga POGO, so I am calling on our law enforcement agencies to step up para ipatupad ang total ban ni Presidente.

”Dapat hindi na maulit pa ang mga ganitong modus, kabilang na ang pagsulpot ng iba’t ibang “rebranding” ng POGO. Andyan ang mga balitang magiging call center daw ang mga POGO o itatago sila sa special economic zone, at iba pang mga hocus-pocus na hindi dapat mapahintulutan”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -