26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Programa para sa proteksyon ng mga mag-aaral kontra dengue, inilunsad sa Quezon

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Doktor Kim Tan, anak ni Quezon Governor Doktora Helen Tan  ang paglulunsad at ceremonial installation ng Long Lasting Insecticide Treated Screens sa Pahinga Norte Elementary School, Candelaria, Quezon.

 

Ayon sa Quezon Public Information Office, layunin ng programa na   mabigyan ng dagdag na proteksyon ang mga mag-aaral laban sa kagat ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Base sa pinakahuling datos, 2,931 na ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ngayong taon, kung saan 12 sa mga ito ang namatay.

Sa kasalukuyan, pangalawa ang Candelaria sa nagtala ng pinaka-maraming kaso ng dengue sa lalawigan na may 341 cases at dalawa dito ang namatay.

Sa Brgy. Pahinga Norte kung saan inilusad ang inisyatibo ay isa sa may pinakamaraming kaso ng dengue na naitala sa buong bayan ng Candelaria at ang pangunahing natatamaan ng mga kasong ito ay mga mag-aaral na may edad na 1-10.

Ang mga ikinabit na olyset net window screen ay mula sa isang Japanese company kung saan ang mga screen ang magsisilbing insecticide sa mga silid alaran. (RO/PIA-Quezon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -