27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Sabay-sabay na pamamahagi ng PagbaBAGo Bags  sa Luzon, Visayas, at Mindanao

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagpapatuloy ng layunin na isulong ang kahalagahan ng edukasyon, personal na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang nationwide simultaneous distribution ng PagbaBAGo bags sa Maahad Norol Yaqeen Litahfidil Qur’an sa Caloocan noong August 30.

Mahigit 4,600 backpacks na may lamang school supplies, dental kits at raincoat ang naipamahagi ng Office of the Vice President (OVP) sa mga Children with Special Needs, Madrasah Schools, Indigenous Peoples Group, at Last Mile Schools sa sampung satellite offices ng Office of the Vice President (OVP) sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa pagsisimula ng school year na ito, muling pinagtitibay ng OVP ang hangarin na maging katuwang sa mga hakbang upang maibsan ang mga balakid sa edukasyon ng ating mga FIlipino learners.

Hangad ng OVP ang isang bansang Makabata at mga batang Makabansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -