27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Panayam kay Sen Risa Hontiveros sa pagka-aresto kay Alice Guo sa Indonesia

- Advertisement -
- Advertisement -

NADAKIP si Alice Guo sa Indonesia, ayon sa pinakahuling balita ngayon, Setyembre 4, 2024. Dahil dito, nagkaroon ng panayam si Senador Risa Hontiveros. Narito ang bahagi ng transcript sa nangyaring interview.

SRH: Pwede siyang ibalik dito sa atin. Basta’t ang sigurado namin at na-appreciate ko yung sinabi ng NBI (National Bureau of Investigation), pagkatapos siyang i-process ng BI at nila ng NBI, ay ite-turn over siya sa atin dito sa Senado. Tulad ng naging proseso kay Sheila Guo.

Q: May possibility, ma’am, na haharap siya bukas sa hearing?

SRH: Kapag nalaman namin na makakabalik siya in time, ihaharap namin siya. Kung hindi naman aabot sa oras yung pagpapabalik sa kanya mula sa Indonesia, papunta rito, magsaschedule kami ng susunod na pinakamaagang hearing para sa wakas, maiharap na siya sa ating muli at makasagot siya ng maayos at makatotohanan dapat.

Q: And are you hoping and expecting na magsasalita na siya tungkol sa mga taong involved dun sa illegal operation at sino yung mga tumulong mukha na ba sila naman?

SRH: I am fully expecting magsasalita na siya ng kumpleto at katotohanan kasi patunay itong pag-aresto sa kanya na hindi siya makakatakas talaga. Tumakas man siya nung una, nahuli pa rin siya at ibabalik dito. Kung baga, she has nowhere else to go. At yung mga tumulong sa kanyang makatakas, hindi namin sila tatantanan.

Q: Ma’am, baka nung igiit niya yung kanilang rights, against self-incrimination, hindi niya matandaan, mga gano’ng stament?

SRH: Well, established na yung rights against self-incrimination ay pwede lamang gamitin sa bawat tanong na maitanong sa isang testigo kung hindi niya sasagutin yun. Pero hindi yan blanket na pagpapayag na umiwas siya sa pag-presenta ng sarili niya sa isang hearing at sa pagharap sa mga tanong namin ng mga senador.

Q: Ma’am, kausap niyo na po ba yung BI at NBI, DFA regarding doon sa kay Alice Guo? Kasi yung kay Sheila Guo at saka yung kay Cassie Ong, less than one day, nandito na agad sila sa Pilipinas.

SRH: That’s true. Kaya inaalam namin kung anong petsa at oras, anong oras pinakamaagang pwede siyang ibalik dito. Nag-coordinate na rin ang Senate Office of the Sergeant at Arms sa NBI. At yun na nga, mismo si NBI Director Santiago ay nagsabing basta’t pagkatapos maiproseso nila ng BI, si Alice Guo, ite-turn over siya sa atin dito dahil Senado ang may standing warrant para kay Alice Guo.

Q: Ma’am, how important was the President’s strong public statements regarding Alice Guo?

SRH: Very important. Tulad ng pag-annunsyo niya ng total ban sa POGOs nung kanyang SONA at pagsimula ng winding down hanggang December 31 at paghanap ng alternatibong trabaho at hanapbuhay, yung just transition para sa mga kababayan nating nagtrabaho noon o nagtatrabaho pa sa mga POGO na iyan.

Lahat nito ay mga piyesa ng isang puzzle na dahan-dahang binubuo natin. At I am happy to say na matimbang na bahagi doon ang trabahong ginagawa ng Senado sa pag-i-imbestiga dito laban sa POGO. So, mabuti at malalakas nga ang mga statement ni Presidente tungkol kay Alice Guo. At ngayon nakita natin sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga grupo ay naaresto si Alice Guo. Pagkatapos maconfirm natin na naaresto siya, independently, nakonfirm din namin sa mga Indonesian contacts namin ang pagkaaresto sa kanya. Kaya, terima kasih sa mga kaibigan natin sa Indonesia. At maraming salamat sa lahat-lahat na nagtulungan upang siya ay madakip.

Q: Ma’am, nasabi ba ng Indonesian sources niyo kung paano nila na-trace at nahuli po si Mayor Guo?

SRH: Bubuiin pa namin yung account nila iyon para doon din sa imbestigasyon ng Subcommittee on Justice and Human Rights tungkol sa pagtakas nina Alice Guo, ma-input namin yun at mabuo natin yung kwento ng kanyang pagtakas hanggang sa kanyang pag-aresto.

Q: Ma’am, makakaabot kaya sa hearing tomorrow? Or are there, parang tinatarget niya po ba yun? Gusto niyo sana makaharap na siya tomorrow?

SRH: I’m really hoping makaharap na siya bukas. So, tinatarget namin. But we can only target so much. Dahil malaking bagay muna malaman namin sa pagitan ng Indonesian at Philippine authorities. Kailan talaga at anong oras siya maibabalik dito?

Q: Ma’am, yung kapatid kaya niya na si Wesley Guo, meron ko po ba kayo information?

SRH: Yan na lang ang missing in action pa. Pero, buo yung confidence ko na patuloy din siyang pinaghahanap. Tulad ng patuloy na paghahanap kay Alice Guo pagkatapos ma-aresto si na Sheila Guo at Cassandra Li Ong na nagbunga na ngayon sa pag-aresto kay Alice Guo.

Q: Ma’am balikan ko lang yung process bale from NAIA dadalhin sya sa BI?

SRH: Yes.

Q: And then NBI?

SRH: Yes, opo.

Q: Ma’am, after the hearing tomorrow, anong disposition ng Senate ? Will she be detained here or ipapaubaya niyo sa NBI? Anong disposition?

SRH: Kung makaharap na siya sa hearing bukas, iyan ay hearing ng Justice and Human Rights subcommittee, ihaharap na namin siya doon kung andito na siya sa Pilipinas. Kahit pa makaharap na siya bukas, ang source naman ng warrant niya ay mula sa Senate Committee on Women. So, kailangan pa muna siyang humarap sa susunod na hearing ng Committee on Women bago makapagdesisyon kami sa disposition namin sa kanya.

Q: So, she’ll stay here or with the NBI?

SRH: She will stay here at the Senate.

Q: Ma’am, would you call on the Department of Justice and other agencies na bilisan yung pagsasampa ng kaso. Kasi ma’am, pag na-release ninyo from Senate custody dahil halimbawa napaharap na siya or sumagot siya sa inyo, di ba flight risk siya kung wala pa rin warrant of arrest from the courts?

SRH: Tingnan po natin kung mahinog na yung unang-unang kasong isinampa laban sa kanya. Yun ang kaso ng DOJ for Qualified Human Trafficking. So, Qualified Trafficking in Persons na isang non-bailable offense.

At kung hindi pa man at that point in time, kasi dadaan muna siya sa pagharap sa Committee on Women. Magdedesisyon pa kami kung palalayain na ba siya sa Senado or idedetain pa rin namin. Kahit pa umabot sa puntong iyon, kung may nahinog ng court warrant of arrest, well and good. Kung hindi pa man, we could ask the BI meron ba silang standing complaints laban sa kanya bilang isang dayuhang nandirito sa Pilipinas. On the strength of which, pwede pa rin nila siyang i-hold. But definitely, hindi na natin pauulitin ang kumakas siya at may mga magkulang o worse makipagsabwatan para patakasin siyang ulit.

Q: Mam, are you positive na this time ay magsasalita na siya ng totoo dun sa mga hearing?

SRH: Well, as I mentioned earlier, tingin ko malakas ang dating nitong pagkaaresto niya sa kanya dahil umalis siya sa Pilipinas ng ganun-ganun lang. Nakapag parang lakbay sa iba’t ibang bansa dito sa Asia at papunta sa kung saan hindi pa natin alam. Pero hindi siguro magaan ang dating sa kanya na naaresto pa rin siya at ibabalik pa rin dito sa ating bansa kung saan nagpanggap siyang Pilipino, nagpanggap siyang Pilipinong Mayor, lumabag siya sa iba’t ibang batas ng Republika sa ilalim ng cover ng POGO.

Q: With the arrest of Alice Guo, better po ba na sumuko na ang ibang may warrant of arrest?

SRH: Definitely. Ipinakita nitong pag-aresto kay Alice Guo na tumakas ka man pag pinaghanap ka ng mga otoridad at may tulong pa ng mga otoridad ng ibang mga bansa, kahit dun ka pa tumakas, ay maibabalik ka rin dito sa bansang Pilipinas. That should make a strong impression sa iba pang subjects ng warrant of arrest na patuloy pa rin tumatakas o nagtatago.

Q: Ma’am, wtih this development so we do not see wrapping up of your hearing anytime soon?

SRH: Well, plano na rin ng Senate Committee on Women na sana sa loob ng dalawa o tatlong hearing, ma-wrap up na po namin. Meron pa po kaming mga pending issues pangunahin na nga yung pagharap at pagsagot ni Alice Guo. Yung pagtatanong namin sa ilan pang mga personalidad na lumitaw ang kanilang mga pangalan konektado sa mga Pogos, yung hindi pa natapos na kwento ng Pharmally at kung yung mga taong na-identify noon sa Pharmally investigation na lumilitaw ngayon sa imbestigasyon namin laban sa Pogo, ay meron ding accountability doon. So, on track pa rin ang Senate Committee on Women, very big break para sa ating lahat ng pagkaaresto kay Alice Guo.

Q: Ma’am, si Alice Guo na ba yung pinakamataas o pinakamalaking personality behind the POGO operation sa Pilipinas?

SRH: Maaaring hindi siya yung pinakamataas pa. Maaaring hindi pa siya yung pinakamalaking isda dito. At yun yung gustong tumbukin ng Committee on Women bilang bahagi ng pag-wrap-up ng kabuuang apat na taon nang imbeestigasyon laban sa Pogos.

Mula sa website ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -