34.9 C
Manila
Lunes, Abril 28, 2025

Gatchalian: Bicam report sa panukalang school-based mental health bill ratipikado na ng Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINAGALAK ng committee report ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Senate Bill No. 2200 and House Bill No. 6574), isang panukalang batas na paiigitingin ang paghahatid ng mga mental health services sa mga mag-aaral.

Patatatagin ng naturang panukala ang mental health program ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng pagbuo ng School-Based Mental Health Program. Isusulong ng panukalang programa ang pagpapalawak ng kaalaman sa mental health, pagtutok sa mental health concerns ng mga mag-aaral, at pagpapaigting ng mga hakbang ng mga paaralan upang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso ng suicide.

Magiging bahagi ng programa ang screening, evaluation, assessment, at monitoring; mental health first aid; crisis response at referral system; mental health awareness at literacy; emotional, development, at mga preventive programs; at iba pang support services.

Imamandatao rin ng panukalang batas ang pagkakaroon ng Mental Health and Well-Being Office sa bawat School Division Office na pamumunuan ng isang Schools Division Counselor na dapat ay isang Registered Guidance Counselor o Registered Psychologist. Magkakaroon naman ang bawat pampublikong paaralan ng Care Center upang maghatid ng mga mental health services sa mga paaralan.

Pamumunuan ang Care Center ng isang School Counselor na magkakaroon ng mga katuwang na School Counselor Associate. Ang mga posisyon ng School Counselor I to IV, School Counselor Associate I to V, at Schools Division Counselor ay mga bagong posisyon na nilikha sa ilalim ng naturang panukala upang punan ang kakulangan ng mga guidance counselor sa mga pampublikong paaralan.

“Kasabay ng pag-angat natin sa kalidad ng edukasyon sa bansa ang pagtiyak na tinutugunan natin ang mental health ng ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian, may akda at sponsor ng panukalang batas.

Pinasalamatan naman ni Gatchalian ang mga co-author at co-sponsor ng panukalang batas –Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senador Lito Lapid, Senador Bong Go, Senador Nancy Binay, Senador Bong Revilla, Jr., Senador Joel Villanueva, Senador Risa Hontiveros, Senador Bato dela Rosa, Senador Juan Miguel Zubiri, Senador Cynthia Villar, Senador Pia Cayetano, at dating Senador na ngayon ay Secretary of Education Sonny Angara.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -