26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Mga pangyayari sa pagbabalik sa Senado ni Alice Guo

- Advertisement -
- Advertisement -

DADALHIN ngayong umaga, Lunes, Setyembre 9, si dating Bamban Alice Guo sa Senado upang dumalo sa Senate inquiry dahil sa alegasyong may kinalaman siya sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Larawan kuha ni Rene Dilan/The Manila Times

Ayon sa mga ulat ng The Manila Times, si Guo, kasama sina Shiela at Wesley ay lumipad patungong Malaysia noong Hulyo 17 sa kasagsagan ng pag-iimbestiga ng Senado.

Si Guo kasama sina Wesley at Sheila ay pumunta sa Singapore pagkatapos ay sa Indonesia kung saan si Alice ay naaresto noong Setyembre 3 at ibinalik sa Pilipinas noong Setyembre 5, 2024.

Sina Shiela at ang business partner na si Cassandra Ong ay naaresto isang lingo ang nakararaan sa Indonesia at ibinalik sa bansa.

Simula nang ibalik si Alice, siya ay idinitine sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa utos ng Capas, Tarlac, regional trial court na nag-isyu ng warrant of arrest noong Huwebes, Setyembre 5, pagkasampa niya sa eroplanong papuntang Pilipinas mula sa Indonesia.


Nahaharap si Guo sa mga kasong human trafficking at money laundering. Ang  Pangangalakal ng Tao o Bentahan ng Tao (human trafficking) ay ang illegal na pagkalakal ng tao upang pagsamantalahan, sa paraang sekswal o sapilitang paggawa, pati na rin upang ikalakal ang laman-loob nito. Samantala, ang money laundering ay isang uri ng krimen kung saan ang pera ay itinatago ang pinanggalingan ng per ana nakuha sa ilegal na paraan.

Hontiveros, humingi ng pahintulot kay Judge Sarah Vedaña-delos Santos

Matapos kuwestiyunin ni Senator Risa Hontiveros, chairman ng Senate Committee on the Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ang desisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng graft charges laban kay Guo sa Tarlac court, humingi ito ng pahintulot kay Judge Sarah Vedaña-delos Santos na payagan si Alice na dumalo sa pagpapatuloy ng inquiry.

Ayon kay Hontiveros, “Sandiganbayan should be the one to handle graft and corruption charges against high-ranking officials like Mayor Guo.”

- Advertisement -

Pinagbigyan ni Vedaña-delos Santos ang request ni Hontiveros.

Mga personalidad na tumulong kay Alice sa pagtakas, pangangalanan

Ayon kina Department of Justice (DoJ) Assistant Secretary at spokesman Mico Clavano ang mga personalidad na  tumulong kay Alice Guo na makalabas ng bansa ay papangalanan na sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Clavano maaaring tapusin ng DoJ ang imbestigasyon sa pagtakas ng bansa ngayong buwan na ito.

“I was just told that the only thing I can disclose at this point is that it is coming to an end, and we can expect that the results of the investigation will come out very soon,” ayon kay Clavano.

Tumanggi si Clavano na isiwalat kung ilang mga opisyal ng gobyerno ang suspek sa mga tumulong kay Guo.

- Advertisement -

“We’re not only looking at the possibilities of public officials aiding and abetting, but we’re also looking at the angle of private individuals as well,” dagdag pa niya.

Naniniwala ang tagapagsalita na hindi magagawa ni Guo na mag-isa ang kanyang pagtakas. “She really has a big network, and the POGO network is quite big. It’s quite large. There’s a web of these bosses, managers, supervisors that may be helping each other as well,” dagdag pa niya.

Paano siya dadalhin sa Senado

Ayon kay PNP spokesman Col. Jean Fajardo kahapon, Linggo, Setyembre 8, isang convoy ng mga pulis ang magdadala kay Guo a mula sa Camp Crame papuntang Senate building ng 8:00 ng umaga.

Sinabi ni Fajardo na natalakay na niya ang mga detalye ng pagpunta sa Senado sa

Sergeant-at-Arms ng Senado.

Magsusuot si Guo ng bulletproof vest at sasakay sa kotese kasama ang mga babaeng  pulis na may katungkulan. Isang SWAT (Special Weapons and Tactics) team ay magiging bahagi convoy.

Pupusasan siya papunta sa buong panahon pero ipinaliwanag ni Fajardo na “we will take a cue from the Senate if the handcuffs are removed during the investigation.”

“We have to take into consideration what she said that she has been receiving death threats. So just like any individual with a threat to life, we have to take this seriously,” paliwanag ng spokesman.

Mga pagliliwanag ni Abalos

Sa Saturday News Forum ng DILG nitong Setyembre 7, 2024, ipinaliwanag ni Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang ilang mga akusasyon sa ginawa niyang pag-aresto kay Alice Guo sa Senado kasama si Philippine National Police chief Gen. Rommel Marbil.

“Gusto ko lang i-emphasize at this point, kung makikita niyo po, ‘yung sinabi ni ASec Mico (Assistant Secretary Mico Clavano) at sinabi ko, pareho. May kanya-kanyang sangay ng gobyerno na pwedeng mag-file. Inuna lang naming ‘yung sa pagiging mayor niya kung saan siya natanggal.

“At ‘yun nagtulungan na ‘yung iba, finile nang finile kita niyo andami na kaya ‘yung word na akusasyon ay masakit din para sa’kin. Nauna lang kami para makuha siya at matanggal siya sa puwesto.”

Hinggil sa mga “selfie photos” kasama si Alice Guo, ito ang kanyang paliwanag.

“Pinaliwanag ko ‘yung picture na ‘yun was taken for documentation. Maraming salamat for giving me this opportunity to explain it to the public.”

Akusasyong naging “unprofessional” ang kanilang pag-aresto kay Guo. Ito ang kanyang pahayag.

“Technically speaking, Alice Guo is a detainee. So we have to consider ang ating Philippine law doon po sa pag-aresto sa kanya and the same time, the human rights aspect nito. Binabalanse niyo po ‘yan.

“But one thing is certain, we followed the protocols here sa eroplano palang, pag-landing dito, nagpunta ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group). Binasahan na siya, ikaw Alice Guo ay nasasakdal ng ganitong kaso. Binasahan din siya at nakita niyo sa video pinaalala ko sa kanya ang Miranda Rights. You have the right to remain silent. You have the right to a counsel. Anything you say can be used against you. Ito ‘yung mga karapatan ng isang akusado na dapat malaman niya.

“So lahat po ng protocol ay sinunod ng ating kapulisyahan.” Halaw sa ulat ng The Manila Times at Facebook page post ng DILG Philippines.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -