NASA 1,000 tricycle drivers ang nabigyan ng family food packs mula sa DSWD na isinagawa sa Cavite City nitong Setyembre 4, 2024.
Sa inisyatiba ng opisina ni Senador Lito Lapid, bukod sa food packs, nabiyayaan din ng kaukulang tulong pinansyal ang mga benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ay pawang apektado ng bagyong Enteng(Yagi) na nanalasa sa Cavite, Metro Manila at ibang lugar.
Sa kanyang mensahe, inaasahan ni Lapid na kahit papaano ay makatutulong sa pangangailangan ng mga benepisyaryo ang relief goods at ayuda na galing sa DSWD.
Todo pasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Senador Lapid sa napapanahong ayuda sa kanila sa gitna ng kalamidad.
Naging daan sina Cavite City Mayor Denver Christopher Chua at Vice-Mayor Benzen Rusit para maisakatuparan ang relief distribution at payout ng ayuda sa mga tricycle driver.