NAGBIGAY ng pahayag si Senator Risa Hontiveros sa diumano’y pagkaka-aresto kay Pastor Apoillo Quiboloy kahapon, Setyembre 8, 2024.
Sabi ni Hontiveros, “Mananagot ka, Apollo Quiboloy. You cannot outrun the law. You will not further delay justice. Abot kamay na ng mga victim-survivors ang hustisya, salamat sa kanilang paglalakas-loob na magsabi ng katotohanan.
“Magpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado para matuldukan ang sistematikong pang-aabuso sa mga pinaka-vulnerable sa lipunan. Bilang na ang araw ng tulad nilang naghahari-harian, nambabastos sa batas, at nang-aabuso sa kababaihan, kabataan, at kapwa nating Pilipino.” Mula sa Facebook page post ni Senator Risa Hontiveros