INIULAT ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang budget hearing sa Senado tungkol sa Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Senator Grace Poe.
Aniya, “Nakatali po sa imprastraktura ang ating pag-unlad, at ito po ang mensahe natin nang dumalo tayo sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways kanina, sa pangunguna ni Sen. Grace Poe.
“Kailangan natin ng maayos na mga daan, tulay, airport, at iba pang proyekto para sa maayos rin na galaw ng komersiyo, mabilis na transportasyon, masiglang turismo, at mas asensadong Pilipinas.
“Kaya naman buo ang suporta natin sa DPWH budget para makumpleto ang mga planong proyekto nito, lalo na ng mga big-ticket projects ng ating administrasyon.”