NGAYONG Setyembre, muli nating ipinagdiriwang ang Handog Titulo Month bilang pagsunod sa DENR Memorandum Circular No. 2019-04.
Sa ilalim ng programang ito, pinabibilis ang proseso ng mga public land patent applications para agad na maipagkaloob ang mga lupa sa mga karapat-dapat na benepisyaryo sa buong bansa.
Pagkakaroon ng sariling lupa ay mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan. Kasama ang Department Environment and Natural Resources sa pagsuporta sa mas maliwanag at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.