29.4 C
Manila
Huwebes, Mayo 1, 2025

Mahigit 7,000 senior citizens sa Calapan, tumanggap ng kanilang social pension

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa 7,809 na kasapi ng senior citizens sa lungsod ng Calapan ang nakatanggap na ng kanilang social pension na P3,000 para sa ikatlong kwarter ng taon na isinagawa sa covered court ng Barangay Calero, kamakailan.

Pinamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Calapan City Social Welfare and Development Department ang pamamahagi na nasabing suporta ng pamahalaan para sa mga miyembro mula sa 62 barangays.

Ayon sa social media post ni Mayor Marilou Flores-Morillo, buo ang kanilang suporta sa mga pangunahing mamamayan ng lungsod lalo’t higit sa mga pangangilangan ng mga ito tulad ng mga bitamina, gamot, gatas at atensyong medikal para mapanatili ang magandang kalusugan.

Lubos din ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa DSWD sa mga ayudang pinansiyal na ipinagkakaloob sa mga lolo at lola. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -