IGINAWAD ng National Housing Authority (NHA) ang 100 na pabahay ng Liloy Subanen IP Housing Project sa mga pamilyang kabilang sa Tribung Subanen sa Zamboanga del Norte bilang pagtupad sa pangako nitong makapaghandog ng matitibay at permanenteng mga tirahan sa mga katutubong Pilipino.

Ang proyektong pabahay na ito ay sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (IPs), na naglalayong magbigay ng pabahay sa mga kapatid nating katutubo sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ay ipinatupad bunga ng masusing pag-aaral at sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga pinuno ng komunidad at ng lokal na pamahalaan.