NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng ayuda sa may 500 benepisyaryo sa Brgy. Tambo, Parañaque City.
Sa pamamagitan nina Councilor Vandolph Quizon, Brgy. Chairwoman Jenn Quizon, Kagawad Alma Moreno, at Kagawad Yoej Marquez, nabiyayaan ng kaukulang tulong pinansyal ang mga senior citizen, PWDs, single parents at mga estudyante.
Sinabi ni Sen Lapid na patuloy syang magbibigay ng ayuda sa buong Pilipinas hanggat meron Pilipinong hikahos sa buhay.
Inaasahan ni Lapid na makatutulong ang ayuda sa mga benepisyaryo sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Ayon kay Chairwoman Quizon, malaking tulong na ang konting ayuda sa mga benepisyaryo, lalo na ngayon panahon ng krisis.
Nagpasalamat naman sina Councilor Quizon, Kap. Quizon at Kag. Moreno sa ibinigay na ayuda ni Lapid sa kanilang mga constituent.
Nagpakilig naman sa mga tao ang tambalang Lito Lapid at Alma Moreno sa apat na pelikulang kanilang pinagsamahan noon.