32.1 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Serbisyo caravan, isasagawa sa Nueva Vizcaya

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKATAKDANG isagawa ang Serbisyo Caravan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa provincial capitol at iba pang bayan ng Nueva Vizcaya sa Setyembre 13, 2024, araw ng Biyernes.

Layunin ng serbisyo caravan na dalhin ang mga serbisyo at programa ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa mga mamamayan.

Ilan sa mga inaasahang serbisyo at programang ihahatid ng pamahalaan ay ang Ayuda para sa Kapos ang Kita program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinatayang aabot sa 500 beneficiaries sa bayan ng Bambang at 500 sa bayan ng Solano ang makakatanggap ng tig-P5,000 na tulong mula sa nasabing programa.

Ayon kay Elizabeth Martinez, provincial head ng Department of Labor and Employment (DoLE), magbibigay din ang kanilang ahensiya ng mga sumusunod na serbisyo at benepisyo sa mga Novo Vizcayanos:

  • Special Program for Employment of Students (SPES) payout para sa 450 beneficiaries na nagkakahalaga ng P2.2 milyon.
  • P1.3 milyon na tulong para sa 65 miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender organization sa bayan ng Dupax del Norte.
  • P1.05 milyon na tulong para sa LGU Ambaguio para sa 35 parents/guardians ng mga child laborers sa bayan.

Magbibigay din ang DoLE ng payout para sa 293 beneficiaries ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon, pati na rin sa bayan ng Diadi para sa 293 beneficiaries na may katulad na halaga. Bukod dito, isasagawa ng DoLE ang Tupad Profiling para sa 400 mamamayan ng lalawigan na nagkakahalaga ng mahigit P1.9 milyon.

Ang DoLE ay magdadala rin ng One Stop Shop Job Fair sa LGU Bayombong na dadaluhan ng 20 employers.

Samantala, ang Department of Agriculture (DA) ay magbibigay ng tulong sa mga magsasaka sa araw ng Serbisyo Caravan.

Ayon kay DA Nueva Vizcaya Experiment Station Manager Jhun Apostol, magbibigay ang kanilang ahensiya ng onion seeds at seeders na nagkakahalaga ng mahigit P20.3 milyon sa mga onion farmers ng Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Bagabag, Alfonso Castaneda, Quezon, at Kayapa—mga pangunahing lugar ng onion farming sa lalawigan.

“Layunin ng ating tulong na mapalago pa ang taniman ng ating mga onion products upang madagdagan ang kita ng ating mga magsasaka at makatulong sa ekonomiya,” pahayag ni Apostol.

Ang Department of Trade and Industry ay magdadala rin ng kanilang mga serbisyo sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo Program, kabilang ang Consumer Help Desk para sa consumer advocacy, business counselling, business name registration, BMBE registration, SB Corporation Financing Program, at iba pa.

Ang Department of Health (DoH) ay magbibigay ng mga assistive devices sa mga identified beneficiaries ng Provincial Disability Affairs Office.

Lalahok din sa Serbisyo Caravan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo. Ayon kay Board Member Roland Carub, chairman ng committee on commerce, trade, and industry ng Sangguniang Panlalawigan, 15 hanggang 20 MSMEs mula sa grupong Timpuyog Ti Babbalasang Idi Kalman (TIBIK) Nueva Vizcaya ang magpapakita at magbebenta ng kanilang mga produkto sa mga consumers.

“Ako ay nagagalak dahil P100,000 ang monthly gross sales ng ating Tibik farmers dahil sa localized Kadiwa ng Pangulo Program sa Kapitolyo na sinasalihan nila tuwing Biyernes,” pahayag ni Carub. (BOTB/ME/PIA Nueva Vizcaya)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -