30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Mas mataas na PhilHealth benefit package, pakikinabangan ng mga miyembro

- Advertisement -
- Advertisement -

Mas mataas na mga benepisypo o benefit package ang pakikinabangan ng mga miyembrro ng PhilHealh simula sa taong kasalukuyan.

Ito ay epekto na rin nang pinataas na buwanang premium na binabayaran ng mga miyembro nito.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas na isinagawa sa Oriental Mindoro noong Martes, Setyembre 10, ibinahagi ni Atty. Jerry F. Ibay, Regional Vice President ng PhilHealth-MIMAROPA, na halos lahat ng benefit packages ay itinaas ang financial coverages dahil nakita ng ahensya na lumaki ang mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan sa bansa dulot ng inflation.

Una ng ipinatupad ng PhilHealth ang pagpapalawak sa coverage ng isang hemodialysis patient na mula sa dating 144 na sesyon ay ginawa na itong 156 sessions. Itinaas din ang financial coverages ng mga benefit delivery na karaniwang ginagamit o ina-avail ng maraming Pilipino kagaya ng ischemic stroke na mula P28,000 ay ginawa itong P76,000; hemorrhagic stroke na mula P38,000 ay naging P80,000; at high risk pneumonia na mula P32,000 ay naging P90,100.

Samantala, mula sa dating P42,660 hanggang P169,400 ay tumaas ng nasa 134 porsiyento o P100,000 hanggang P260,000 ang halaga na pwedeng magamit ng isang miyembro kung kakailanganin ang Z Benefit Package para sa orthopedic implants habang aabot naman sa P1.4 milyon ang bagong rate ng Z Benefit Package para sa mga pasyente na may breast cancer.

Para naman sa neonatal sepsis, mula sa dating P11,700 ay naging P25,793 na ang bagong rate nito; bronchial asthma na dating P9,000 ay ginawang P22,488; Konsulta expansion na dating P750 ginawang P1,700 at hemodialysis benefit package na dating P2,600, ngayon ay ginawa itong P4,000.

Ang malawakang pagtaas sa mga benefit packages ng PhilHealth ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. gayundin ng mga stakeholders kasama ang Kongreso at patient groups na gawin pang lalong makabuluhan ang mga benepisyo para sa mga bawat miyembro ng ahensya. (RAMJR/PIA MIMAROPA – Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -