32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

CHR kinuwestiyon ni Sen Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -
SA 2025 budget hearing ng Commission on Human Rights, kinuwestiyon ni Senador Raffy Tulfo  si Chairperson Richard Palpal-latoc dahil tila mas tutok sila sa political rights cases na sigurado namang may mga backer na abugado.
Ayon kay Sen. Tulfo, wala naman masama rito ngunit ipinunto ni Idol na dapat mas pagtuunan ng pansin ang mga pobre nating kababayan na walang kinalaman sa pulitika, napagtitripan at napagbintangan lamang ng mga pulis at wala naman talagang sala.
Iminungkahi ni Idol na personal na magtungo sa mga bilanggo ang CHR upang suriin ang mga kaso ng mga bilanggo na wrongly accused at obligahin ang Public Attorney’s Office na makipagtulungan sa kanila para sa mabilisang pagresolba ng mga kaso.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -