HIGIT at pinalakas na aksyon para wakasan ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa “Iisang Nasyon, Iisang Aksyon” Summit sa Makati City nitong ika-16 ng Setyembre 2024.
Naging emosyonal si PBBM sa sitwasyon ng mga biktima, at ibinahagi ang kahalagahan ng pag-report ng mga kaso ng OSAEC sa pamamagitan ng Makabata Helpline 1383. Binigyang-diin ng Pangulo ang pagkakakilala sa mga Pilipino sa buong mundo bilang mapag-aruga at makapamilya, at inihayag na ang isyu ng OSAEC ay banta sa kinabukasan ng Pilipinas.
Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office