30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Hontiveros: Pagkakasangkot ni Michael Yang sa POGO lalong naging malinaw pagkatapos ng pagkakaaresto ng kanyang kapatid

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ani Senator Risa Hontiveros ngayon, Lunes, Setyembre 23, 2024 ang pagkakaaresto sa mas matandang kapatid ni Michael Yang na si Tony Yang, at sinabing, lalo nitong pinalinaw na ang pamilyang Yang ay may malalim na link sa POGO at mga sindikatong sangkot ang mga Chinese.

Sinabi  ni Hontiveros habang binibisita niya ang Cagayan de Oro City, kung saan iniulat na may POGO na nagsasangkot Kay Tony Yang.

“Bisto na sila, ‘wag na silang mag-deny. The arrest of Tony Yang, who is wanted in China for financial scamming, will pave the way for establishing his connections to POGOs — just like his brothers Michael and Hongjiang,” sabi ni Hontiveros.

“It is much clearer now that their family business is a massive crime syndicate that has operated in the country for far too long and has victimized far too many.”

Isiniwalat ni Hontiveros si Hongjiang Yang, sa pamamagitan ng kanyang joint account kay Hongsheng incorporator Yu Zheng Can, at may direktang Ugandan sa  Baofu Land Development Inc., na siyang nag-host ng Hongsheng at Zun Yuan POGOs na isinasangkot kay pinatalsik Mayor Alice Guo or Guo Hua Ping.

“These links take us beyond POGOs and back to the multi-billion peso Pharmally scam, sabi ni ” Hontiveros.

Dagdag pa ng Senadora, “Tandaan natin na incorporator din si Hongjiang ng Philippine Fullwin Group of Companies, kung saan presidente si Michael Yang at corporate secretary naman ang isang Gerald Cruz. Si Gerald Cruz ay corporate secretary din sa Pharmally Biological, kung saan may shares si Michael Yang. Incorporator rin siya ng Brickhartz POGO, na ang papeles ay natagpuan sa Bamban.”

Ipinaliwanag ni Hontiveros na ang diumano’ y pakakasangkot ni Tony Yang at Hongjiang Yang sa POGOs ay hindi maaaring nagkataon   lamang.

“Malabong nagkataon lang na pare-pareho ang ginagawa nitong magkakapatid na Yang. There are indications that corporate layering and the crimes they committed through these entities may be part of their modus operandi,” Hontiveros said.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -