26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Sen Hontiveros: Pekeng birth certificate, pekeng Pilipino na naman

- Advertisement -
- Advertisement -

INIULAT ni Senator Risa Hontiveros na mayroon na namang gumamit ng pekeng birth certificate na nadiskubre sa ginanap na inquiry nitong Martes, Setyembre 24, 2024 ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality tungkol sa human trafficking, cyber fraud operations at iba mga kaso ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Ayon sa Senador, “Ginamit ang dokumento ng Pilipinas para magpayaman at manlinlang ng kapwa.”
”Itong si Tony Yang, na kapatid ni Michael Yang, ay may Philippine birth certificate bilang “Antonio Lim.”
Pero inamin niya sa hearing na Chinese national siya. Kaya pineke ang certificate of live birth niya.
Meron din siyang Alien Certificate of Registration bilang “Yang JianXin.”
“Ginamit niya ang mga pekeng dokumento para magpayaman sa Pilipinas. Ang mas malala, nagamit niya ito para din maghasik ng lagim.
”Maraming rebelasyon ang inamin  ni Tony Yang, alias Antonio Maestrado Lim- real name Yang Jianxin.
“Inamin niya na isa siyang Chinese national na gumamit ng  birth certificate na Filipino para makapagtayo ng negosyo.
 “Inamin niya na ipinanganak siya sa China at inamin niyang peke ang kanyang birth certificate.
“Ang problema: at least one of those businesses involves a POGO connected to Bamban, with its own slew of illegal activities.
”Hindi lang negosyo ang patago nilang tinatayo dito.. kundi Sindikato.
“And it is not only Filipino identities they have co-opted- unti-unting lumalabas sa hearings natin na pati mga opisyal at institusyon ng gobyerno ay unti-unti nilang napapasakamay.”
Noong Hulyo, isiniwalat ni Hontiveros ang mga transaksyon sa pagitan ni Guo at Yang na may kinalaman sa ni-raid na POGO hub sa Bamban.
Sinabi ng Senadora na may isang POGO na sangkot sa mga Yangs ay nagtrabaho rin kasama ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na nagkaroon ng multi-billion scandal  sa panahon ng COVID-19 pandemic.
“Mukhang iisang network, o isang, one, big happy ‘Pharmally’ lang talaga ito,” sabi ni Hontiveros.
Ulat at mga larawan mula sa Facebook post ni Senator Risa Hontiveros at Senate of the Philippines
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -