25.3 C
Manila
Lunes, Pebrero 10, 2025

Coastal cleanup isinagawa sa Navotas City

- Advertisement -
- Advertisement -
ANG International Coastal Cleanup, na pinasimulan ng Ocean Conservancy, isang non-profit organization mula sa USA, isang taunang paglilinis na nilalahukan ng DENR National Capital Region, ay isinagawa sa Centennial Park sa Bagumbayan North, Navotas City, noong ika-21 ng Setyembre, Sabado.
Ang paglilinis, na magkatuwang na inorganisa ng DENR National Capital Region at ng lokal na pamahalaan ng Navotas, ay pinangunahan nina DENR Administrative Services Director Rolando Castro, Metropolitan Environmental Office – North OIC Director Glenn Alvin S. Gustilo, at Land Management Bureau Director Atty. Emelyne V. Talabis. Kasama rin nilang nanguna rito sina Navotas City Hon. Mayor John Rey Tiangco, Hon. Vice Mayor Tito Sanchez, at City Environment and Natural Resources Office Head Yzabela Nazal-Habunal.
Umabot sa higit kumulang 400 cleanup volunteers, na mula sa 20 na iba’t ibang pampubliko at pribadong organisasyon, ang nakiisa sa paglilinis sa parke, na nakapagkolekta ng lagpas sa 600 na sako ng mga basura na may bigat na 2,986 kg.
Ang Centennial Park sa Brgy. Bagumbayan North at ang Tanza Marine Tree Park ay ang dalawang identified key cleanup sites sa lungsod para sa ICC ngauong taon. Ang parke na ito ay itinayo sa dating lupain ng isang istasyon ng paglilipat ng basura at pinasinayaan noong kanilang ika-100 na Anibersaryo ng Pagtatag ng Munisipyo.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -