HINIMOK ni Senator Grace Poe Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang Philippine Statistics Authority (PSA) na ilatag ang kanilang plano para siguradong tuluy-tuloy ang pag-imprenta at Pag-release ng National IDs sa gitna ng mga legal challenges sa mga pribadong supplier.
Sinabi ni Poe na dapat ay may 116 million IDs na dapat naimprenta na dahil inumpisahan ito noong 2021 pa pero 67 million pa lang Ang nai-distribute.
Noong Agosto 15, tinapos na ng BSP Ang kontrata asa AllCard Inc., Ang pribadong kumpanya na nag- imprenta ng mga ID dahil hindi ito nakatupad sa kasunduan sa kontrata.
Pero, noong isang linggo, naglabas ang Quezon City Regional Trial Court na dapat itigil ang terminasyon.
“Dapat talaga ay magsabi ng totoo ang Central Bank kung ano ba talaga ang naging problema dito. Totoo ba yung sinasabi nila na hindi ito subcontracted. Malinaw naman na mayroong ibang gumawa,” sabi ni Poe.
“Tuloy-tuloy na rin sana yung printing ng ating IDs. Matagal na itong hinihintay ng ating mga kababayan, at pondo ng taumbayan ang nakataya rito,” dagdag pa niya.
“If they cannot resolve it legally, will another agreement be made to print the cards? This will be an additional cost to the people and the government,” sabi niya.
Pinagpapaliwanag ng Senador ang BSP at PSA tungkol dito.
“Gusto nating magkaroon ng diretsong sagot mula sa BSP. Iyong susunod nating hakbang ay ipatawag sila. Masyado nang atrasado ang national ID na sana ay nagagamit na ng ating mga kababayan,” dagdag ni Poe.