26.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Bamboo Planting Activity isinagawa sa pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month at World Bamboo Day

- Advertisement -
- Advertisement -
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month at World Bamboo Day ngayong taon na may temang “Buhay-Kawayan:Haligi ng Industriyat Kalikasan, Pag-asa sa Kinabukasan”, sama-samang nagkaisa ang iba’t ibang grupo mula sa pribado at pampublikong sektor upang magsagawa ng Bamboo Planting Activity na ginanap noong ika-18 ng Setyembre sa Road Dike Brgy. Malanday, Marikina City.
May kabuuang isang daang (100) Bayog (Bambusa merrilliana) at Kayawang-tinik (Bambusa Blumeana) ang itinanim sa walong-daang (800) metrong haba ng Road Dike na nilahukan ng may kabuuang walumpung (80) indibidwal.
Ang pagtatanim, na pinangunahan ng DENR National Capital Region – Conservation and Development Division, ay nilahukan ng mga kinatawan mula sa Center for Innovation and Technology for Enterprises – Department of Trade and Industry – National Capital Regional Office, Parks Development Office, Marikina River Park Authority, City Environmental Management Office, at ng Barangay Malanday.
Kasama rin dito ang Delfi Foods Inc., PCA Marivalley Constructors Association Inc., Knights of Columbus, Food Caterers Association of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) – New Marikina, Rover Scout Circle 314, Cooperative Union of Marikina City, Barangka Credit Cooperative, MPC, Junior Chamber International (JCI) Marikina Sapatos, at Junior Chamber International (JCI) Marikina Marikit.
Alinsunod sa Proclamation no. 1401 s. 2022, idineklara ang Philippine Bamboo Month at World Bamboo Day tuwing buwan ng Setyembre kada taon, na naglalayong isulong ang kahalagahan ng kawayan sa kalikasan, kapaligiran at ekonomiya. Ang selebrasyong ito ay nagpapakita rin ng kakayahan ng pagtutulungan ng iba’t-ibang komunidad at sektor ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon para sa proteksyon at pangangalaga sa kalikasan, upang lalong mas maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng kawayan at ang mga kamangha-manghang benepisyo na maaaring makuha mula sa pagpapanatili at paglilinang ng mga ito.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -