26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Sino ang may hawak ng pera nyong mag-asawa?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, di ba malapit na birthday ni Auntie?

Oo, Juan. Bakit mo naitanong?

Kasi, Uncle, parang napansin ko kası na hindi kayo nagbibigay ng surprise gift kay Auntie. 

Tama ka dyan, Juan. Pinapipili ko na lang sya ng gusto nya. 

Bakit, Uncle? Di ba gusto ng mga babae yung sinosorpresa sila. Yung nagugulat sila sa tuwa.


Korek ka din dyan, Juan. Kaya lang, wala akong pera. Lahat ng kinikita ko iniintrega ko lahat sa Auntie mo. Ayokong mag-intindi ng pagba-budget. Magaling ang Auntie mo dun. Şaka namulat ako sa paniniwalang dapat ang pera, ang babae ang dapat ang nakikialam. 

Ganun? Mas tama ba yun, Uncle? Paano kung waldas si Auntie? Paano na kayo?

Iba’t iba nga ang istilo ng pag-handle ng pera o kinikita ng mag-asawa, kung kumikita mang pareho ang babae at lalaki o di kaya’y İsa lang ang kumikita.  Siyempre magkaiba ang lebel ng kita ng mag-asawa, isama na dyan ang mga utang. At magkaiba rin ang gustong gastusin.  Ano-ano nga ba ang mga paraan ng mag-aşawa  sa kanilang finances at ano ang positibo o negatibong aspeto nito. 

Una, ang estilo ng “Kanya-kanya”. Ang ibig sabihin nito ay ang kita ni Mister ay kanya lang. Ang kita ni Misis ay kanya lang. Pinag-uusapan lang kung sino ang magbabayad ng partikular na gastos kada buwan  at bahala na ang bawa’t isa sa iba pang gusto noting gastusin o di kaya’y ipunin kung may natira pa sa kinita. Halimbawa, ang napag-usapan ay lahat ng gastusin sa bahay mula pagkain hanggang utilities ay kay Misis at ang bayad sa bahay at tuition ng anak ay sa Mister. 

- Advertisement -

Ang positibo sa “Kanya-kanya” na estilo ay pareho kayong responsable kung paano kayo gumastos at kung masaya naman kayo sa pinag-usapang hatıan sa gastos sa bahay at sa pamilya, walang problema. 

Ang negatibo naman ay mahirap mag-ipon o mag-invest. Hindi madaling i-track ang mga ginagastos ng bawa’t isa, pagkatapos bayaran ang kanya-kanyang share. Puwedeng magkaiba rin ang financial goals ni Mister o ni Misis kaya posibleng hindi din naplaplanong mabuti ang puwedeng maipon o mainvest. 

Pangalawa, ang estilo ng “Bahala na si Misis” o “ Bahala na si Mister”. Ang ibig sabihin nito ay isa lang ang humahawak ng pera o kita ng mag-aşawa. Puedeng lahat ng kinikita ni Mister ay binigay kay Misis at bahala na siyang mag-budget sa mga gastusin. O kung kumikita si Misis, binibigay nya ito sa Mister para sya ang mag-budget. 

Ang positibo dito ay mas madaling bantayan ang pagba-budget at paggastos. Lalo na kung maliwanag ang usapan sa pagitan ng mag-asawa kung ano ba ang budget buwan-buwan at kung ano ba ang puedeng i-save o i-invest. Mas magkakaroon ng malinaw na financial plan para sa buong pamilya lalo na kung open ang mag-asawa  sa pag-uusap at pagsangayon sa mas tama at epektibong pamamaraan ng pag-iipon  at pag-iinvest.

Ang negatibo dito ay ang puedeng mangyaring pagiging “judgmental” ng isa sa paggastos ng sınasabi nating may “hawak ng kaban” lalo na kung walang komunikasyon ang mag-aşawa o hindi komportableng pag-usapan ang mga financial goals sa pang-maikli o mahabang panahon. May kilala akong mag-asawa na meron pang Excel file ng kanilang finances, kahit na kay Misis ang pamamahala, at kada buwan ay pinag-uusapan nila ito at nagpa-plano ng puwede nilang gawin para bumaba ang gastos at pataasin ang kanilang ipon. Maganda yan kung magagawa. Ang isa pang negatibo ay iyong katulad ko na mahirap magbigay ng sorpresang regalo kay Misis kasi hindi ko puwedeng di sabihin ang balak ko kasi nasa kanya ang kaban.

At ang pangatlo ay ang “Bahala  tayong dalawa” na estilo. Ang ibig sabihin nito ay merong bahagi ng kita ng mag-asawa ay joint accounts para sa ipon, bayad sa utang, retirement at lahat ng gastusin. At yung ibang bahagi ay may individual account ng Mister o Misis kung saan dun nila huhugutin kung may gusto silang bilhin, iregalo o gastusin sa anumang bagay. Parang nagtatalaga sila ng “allowance” para sa İsa’t isa. 

- Advertisement -

Ang positibo dito ay hindi magiging usapin ang pagkakaiba ng income ng bawa’t isa sa pagbabayad ng gastusin. Meron ka ding freedom na bumili ng kahit na ano tulad ng regalo na hindi mo na kailangang kausapin ang aşawa mo. Napag-uusapan nyo din ang inyong financial goals bilang mag-asawa o pamilya. 

Ang negatibo naman ay ang komplikasyon ng proseso ng pagkakaroon ng maraming accounts sa bangko. Yung iba nama’y sensitibo sa isyu ng pagkakaroon ng “allowance” buwan-buwan. 

Walang tama o mali sa mga pamamaraan na yan. Depende talaga kung saan komportable o maşaya ang mag-asawa. Depende din kung gagawing disiplina ng mag-asawa ang mag-usap, mag-sangguni, magkasundo o magplano ng magkasama sa lahat ng mga aspeto sa kanilang buhay na pinansyal.

O, Juan, kapag nag-asawa ka na, ano ang estilo nyo kaya?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -