26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

VP Sara hinihimok ang mga mambabatas na itigil ang paggamit ng mga testigong walang kredibilidad

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGBIGAY ng kanyang opisyal na pahayag si Vice President Sara Duterte sa kanyang Facebook page kahapon, September 26, 2024, hinggil sa mga paratang sa kanya ni Gloria Mercado. Narito ang kanyang pahayag.
Mga kababayan,
Sa pagpapatuloy ng mga tangka na sirain ang pagkatao ko, nais ko sanang himukin ang ating mga mambabatas na itigil ang paggamit ng mga testigo na walang kredibilidad o di kaya ay kwestyonable ang layunin.
Halimbawa nito ay si Gloria Mercado na tinanggal sa pwesto bilang undersecretary ng Department of Education at ngayon ay bahagi na ng political machinery laban sa akin. Nais ng Kongreso na paniwalaan ng mga Pilipino si Mercado at kalimutan na umamin itong masama ang kanyang loob nang mawala sa pwesto.
Mga dahilan bakit tinanggal si Mercado:
1. Humingi si Mercado ng P16 million mula sa isang pribadong kompanya. Malinaw na ito ay labag sa batas. Hindi rin niya ito maaaring itanggi dahil may mga dokumento ito at pirmado niya mismo.
2. Iginiit niya na mabigyan ng teaching item ang isang indibidwal sa Region VII at ginawa niya itong Executive Assistant sa DepEd Central Office. Makikita ang service record ng taong ito sa BHROD ng DepEd.
Karagdagang dokumento tungkol sa mga asal ni Mercado sa DepEd:
Minutes of Teacher Education Council meetings — Malinaw dito na sinadya ni Mercado na maantala ang appointment ng executive director ng TEC.
Maliban sa hinaharap na kaso ng korapsyon, kilala din si Mercado sa kanyang ugaling paninira sa mga kasamahan sa trabaho, kabilang na ng kapwa matataas na opisyal ng DepEd. Sa akin mismo ay sinubukan ni Mercado na siraan ang tatlong opisyal ng DepEd.
Ganunpaman, sana ay pag-isipan ng Kongreso na ang walang pakundangang pagtatampok ng mga testigo laban sa akin ay maaaring sumira sa buhay at kinabukasan ng mga inosenteng empleyado sa DepEd at kanilang mga pamilya.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -