UMABOT sa 273 indibidwal ang nakinabang sa mga serbisyo ng Land Transportation Office (LTO) MIMAROPA na isinagawa sa covered court ng Brgy. Inarawan, Naujan.
Sa pamamagitan ng Road Safety Advocacy Program ng LTO, ilan sa mga serbisyong hatid nito ay ang renewal ng driver’s license at aplikasyon ng student permit pati na rin ang libreng Theoretical Driving Course (TDC).
Ayon sa social media post ng Naujan LGU, layunin ng LTO na maitaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa mga bagong batas trapiko, alituntunin at regulasyon sa transportasyon at matulungan ang mga aplikante na magkaroon ng lisensya kung saan ang student permit ang pangunahing hakbang upang magkaroon ng Non-Professional Driver’s License.
Suportado ng lokal na pamahalaan ng Naujan ang programa, kasama ang Municipal Tourism Office, sa pakikipagtulungan ng LTO-Victoria Extension Office, at Department of Information and Communications Technology (DICT). (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)